Advertisers

Advertisers

EMMAN PACQUIAO, MAY SARILING ISTORYA NA

0 30

Advertisers

MULA sa interview sa mag-inang EMMAN BACOSA PACQUIAO at JOANNA ROSE BACOSA sa programang ‘KAPUSO MO, JESSICA SOJO (KMJS), trending sa social media ang sariling kwento ng ‘anak sa labas’ ni World 8 Division Boxing Champion/former Senator MANNY ‘Pacman’ PACQUIAO.

Matapos ang naiukit na record sa boxing world ni EMMAN, at nadepensahan sa ‘THRILLA in MANILA 2’, ang kanyang 7 wins, 0 loss, 1 draw, 4 knock outs, no doubt na may sarili na siyang kwento, nakaangat mula sa sakit since childhood, sa mga panghuhusga na ‘ Anak ka lang ng sikat, yun lang!’na parang wala siyang sariling kwento kundi’anak sa labas ng sikat na Pambansang Kamao at People’s Champ na si PACQUIAO.. Dinaanan ni EMMAN ang sakit pati ang di pagkilala at kawalan ng suporta ng ama noong bata pa siya, pero tanggap at naintindihan agad na may sarili palang pamilya ang ama. Nakarelasyon ni PACMAN si JOANNA year 2003 noong waitress ito sa isang game venue, isinilang si EMMAN ,January 2, 2004.

Likas ang daloy ng dugong boksingero, at age 9, nagsimulang mangarap si EMMAN sa boksing, inspirado sa mga napapanood na laban ng ama bilang world boxing icon. Cutting the story short, nang kilalanin at suportahan ni PACMAN si EMMAN, ibinigay ang pangalang PACQUIAO legally, sinundan nito ang pangarap ng anak, na pinili ang boxing kaysa sa alok niyang mag-aral na lang sa Amerika dahil.mahirap ang buhay-boksingero.

Nagsimula siya sa mga praktis at pagsali sa amateur boxing matches, na madaling gawin ng isang PACMAN ang mag-organisa ng game events. Iba ang sikap ng may pangarap, lalo pag lumaki sa hirap at humble beginnings. Hindi na nakapagtataka ang takbo ng journey ni EMMAN, good thing and blessing in disguise ang mga hirap niya since childhood. Siya nagayon ang inaabangan na susunod talaga sa footsteps ng isang MANNY PACQUIAO. Base sa rekord at age 21, at determination sa pangarap.

Yes po, starting pa lang ang batang PACQUIAO pero obviously, very promising. Hindi maiwasang ikumpara sa kanya sina JIMWELL at MICHAEL na mana rin sa ama pero llamado ang evaluation kay EMMAN..Wala naman po sigurong masama sa comparison based on records na rin, at may ibang nababasa ang boxing followers and analysts, malaki man o maliit, sikat o hindi kilala. Umariba na ang karera ni EMMAN sa tagumpay niya sa ‘THRILLA in MANILA 2’, inorganisa ni PACMAN commemorating the 50th year ng historic bout nina legendary boxers MUHAMMAD ALI at JOE FRAZIER decades ago (1975) sa Pinas. Apaw ang suporta Kay EMMAN na bukod sa humble, maka-Diyos at madasalin (sa gabay umano ng inang pastora na si JOANNA), kinaaliwan ang talent sa dancing at similarities umano kina heartthrobs PIOLO PASCUAL at DINGDONG DANTES.

Well, everyone is entitled to his own opinion, observation and evaluation, Yun na! At least, may aabangan na naman sa Sports bukod sa inspiring honors from CARLOS YULO, ALEX EALA, EJ OBIENA and other shining athletes ng Pinas, tanggal-umay at sama ng loob sa existing corruption issues/rallies sa gobierno. So there!

***
NOVEMBER CHEERS.
HAPPY BIRTHDAY to LEONORA SANTOS GATBONTON and CERENIA ‘Early’ FRANCISCO RIO of Bataan, SAMUEL ANDERS RIVERA ALEJO of QC, ERDELITO GARCIA (LFIS, Cabanatuan City), ANALIE MAGTULIS & GERAMIE GEDE (Mandaluyong City) & JUSTO BEDAN (AUPC). MBTC and best blessings ! HAPPY READING!