Advertisers
Sumuko ang dalawang miyembro ng Communist Party of the Philippines New Peoples Army National Democratic Front (CPP-NPA -NDF) dahil sa pinaigting na combat operation ng Joint Task Group 7-2 ng 703rd Infantry(Agila) Brigade, 70th Infantry (Matapat/Matatag) Batallion katuwang ang 7th Infantry(Kaugnay) Division ng Philippine Army sa kabundukan ng Sitio Macua, Brgy. Kabayunan, Doña Remedios Trinidad Bulacan,
Sa ulat na tinanggap ni 703rd Commander Brigadier General Eugenio Julio C. Osias IV, ang boluntaryong pagsuko ng dalawang rebelde ay resulta ng Joint Law Enforcement Support Operation (LESO) na pinamumunuan ni 70IB Commander, LtCol Ryan Cayton nitong Nobyembre 13 2025 sa nitong Sitio.
Nabatid na isa sa mga sumuko may isang tama ng bala ng baril na halos pitong araw ng naglalakbay sa kagubatan, kasabay ng pagsuko ng dalawang NPA ang pagsusuko rin ng isang M653 at M16A1 rifles at dalawang maikling alloy magazine na naglalaman ng 37 rounds ng 5.56 na bala.
Nagpapatuloy ang combat operation ng militar sa bulubunduking bahagi ng DRT at Norzagaray laban sa natitira pa na mga rebelde na mga labi ng unang engkwentro sa Sitio Balagbag at Sitio Inuman. (Thony D. Arcenal)