Advertisers
Arestado ang isang tricycle driver ng mahulihan ng P204,000.00 halaga ng smuggled sigarilyo sa isinagawang anti-criminality checkpoint ng mga pulis sa bayan ng Bulakan nitong hapon ng Mayo 19.
Sa report ni PLt.Col. Lynelle Solomon, hepe ng Bulakan police station,kay OIC PNP Provicial Director PCol. Jay B.Baybayan kinilala ang suspek na si alyas “JC”, 25-anyos, at residente sa bayan ng Paombong.
Ayon sa ulat, ikinasa ng kanilang mga tauhan ang operasyon ganap 3:30 ng hapon ng isagawa ang checkpoint sa Brgy. San Nicolas.
Una na ng pinara ng mga pulis ang tricycle na minamaneho ni alyas “JC” para sa beripikasyon habang nasa checkpoint.
Sa isinagawang inspeksyon, nabigong makapagpakita ang driver ng kanyang driver’s license at rehistro ng motorsiklo na may side car.
Nabatid na lulan ng tricycle, ang mga selyadong kahon, na kalaunan ay natuklasang naglalaman ng ibat-ibang brand ng Yosi.
Dahil sa kawalan ng documents ng kontrabando, agad kinumpiska ng mga pulis ang kabuoang 200 reams ng smuggled cigarettes.
Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Bulakan Bulacan Municipal Jail sa kasong paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at RA 12022 .(Thony D. Arcenal)