Advertisers
Sinagot ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez ang ikalawang video na inilabas ni dating Cong. Zaldy Co na aniya’y puno pa rin ng “hearsay” at walang matibay na basehan.
Ayon kay Gomez, tila inuulit lamang ni Co ang parehong mga paratang na “sabi nito, sabi ni ano,” kahit na hindi umano tumalab ang una niyang video.
Dagdag pa ng kalihim, hindi man lang nagbago ang nilalaman o “script” ng panibagong pahayag ni Co, kahit malinaw umano na “kanal” o “basura” na ang nauna.
Dahil dito, muling hinamon ni Gomez si Co umuwi na ng Pilipinas, lagdaan at panumpaan ang kanyang mga alegasyon, at harapin ang imbestigasyon upang matapos na aniya ang usapin. (Gilbert Perdez)