Advertisers

Advertisers

24 LOCAL EXECUTIVES LUMABAG SA TRAVEL BAN!

Bumiyahe kahit may babala ng bagyo

0 12

Advertisers

NASA 24 local executives ang sasampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa pag-alis ng bansa sa panahon ng pananalasa ng mga bagyong Tino at Uwan.

Ito ang sinabi ni DILG Secretary Juanito Victor Remulla nang pangunahan ang blessing ng mga bagong biling ka-gamitan ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame sa Quezon City.

Ayon kay Remulla, kumpleto na ang isinagawang imbes-tigasyon sa lahat ng local executives na umalis o lumabas ng bansa sa kabilang ng pagsuspende ng foreign travel ng local officials mula November 9 hanggang 15.



“ Halos kumpleto na, so… we will the corresponding cases sa Ombudsman sa mga nag-violate,” pahayag ni Remulla.

Sinabi ni Remulla na sa sandaling makumpleto o matapos ang isinagawang imbestigasyon agad na isasampa ang kaso sa Office of the Ombudsman.



“We will see. Kung makumpleto namin ngayon kasi kinukuha namin ‘yung return flights nila. It is a very complicated process, “ ani Remulla.

“Sinabi ni Remulla na mga kasong abandonment of duty, gross neglect, insubordination, kasi may order na kami huwag umalis tapos umalis parin so titingnan namin.”



Binigyan-diin ni Remulla na kung sinuman ang kai-langan parusahan, paparusahan ng kanyang tanggapan.
(Mark Obleada)