Advertisers

Advertisers

Parak utas sa riding in tandem

0 32

Advertisers

RAMON, Isabela – Naliligo na sa sariling dugo at walang buhay ang isang pulis nang madatnan ng kanyang mga kabaro matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Purok 3, Barangay Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Kinilala ang biktimang si Master Sgt. Mario Lopez, Jr., nakatalaga sa San Agustin Police Station, may-asawa, ng Brgy. San Marcos, San Mateo, Isabela.



Inakala ng ilang residente sa lugar na testing fire ang kanilang narinig na sunod-sunod na putok ng baril, at ikinagulat ang pagkakaroon na ng mara-ming pulis sa lugar pagkatapos ng alingawngaw ng baril.

Ayon kay Major Ranilo Bumagat, hepe ng San Agustin Police Station, walang nakaaway ang biktima dahil sa tuwing naka-off duty ay agad itong umuwi sa kanyang pamilya at bumibili ng mais bilang traders.

Sa isinasagawang imbestigasyon ng mga kasapi ng Ramon Police Station at Scene of the Crime Operative (SOCO) higit 10 piraso ng basyo ng bala ang nakuha sa crime scene.

Dahil dito, agad naglabas ng direktiba si Maj. Jay-ar Olya-on, hepe ng Ramon Police Station, ng masusing imbestigasyon sa krimen. (R. Velasco/ Fidel Coloma)