Advertisers

Advertisers

Duterte supporters pinalayas sa INC rally

0 16

Advertisers

INILIPAT ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte ang kanilang asembliya sa Liwasang Bonifacio noong Linggo matapos silang bawalan sumama sa mas malaking protesta na pinamumunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Luneta Park.

Sinabi ni Daniel Nobleza, tagapagsalita ng Reforma Filipina at Hakbang Maisug, tumanggi ang mga organizer ng INC na papasukin ang kanilang grupo sa pagtitipon sa Luneta dahil nananawagan sila sa pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.



Sinabi ni Nobleza na sinabi sa kanila ng mga pinuno ng INC na ayaw nila sa protesta sa Luneta na “tainted by any political color.”

“Trinay namin na gumawa ng liham para magpaalam sa ating mga kapatid sa Iglesia ngunit mariin nilang tinututulan na kami ay makapasok sa loob lalo’t may nakalagay na ‘BBM resign’ dahil meron silang sariling programa,” aniya.

Idinagdag niya na habang iginagalang nila ang posisyon ng INC, ang kanilang grupo ay patuloy na humihimok kay Marcos na bumaba sa puwesto.

Bago magmartsa patungong Liwasang Bonifacio, nauna nang nagtipon ang mga tagasuporta ni Duterte sa Plaza Salamanca at sa kanto ng Taft Avenue at Kalaw Avenue.