Advertisers

Advertisers

3 kawatan ibinenta ninakaw na motorsiklo sa may-ari, timbog

0 20

Advertisers

ARESTADO ang tatlong lalaking nagnakaw ng motorsiklo nang ibenta ng mga ito sa mismong may-ari ang dala nilang motor sa Kidapawan City.



Ayon sa ulat, naka-post sa Facebook Marketplace ang nasabing nakaw na motorsiklo kung kaya’t nagka-ideya ang biktima na makipagtransaksyon sa mga magna-nakaw.

Noong Setyembre 1, 2025 dinali ng mga kawatan ang motorsiklo ng biktima, at agad itong nakipag-ugnayan sa pulisya nang makita ang kanyang motorsiklo sa listing ng nasabing online platform.

Napagkasunduan ng biktima at mga magnanakaw na magkita Nobyembre 16, bandang 10:00 ng umaga kasabay ng entrapment operation na ikinasa ng pulisya.

Nasakote ng mga awtoridad ang tatlong magnanakaw, kungsaan 24-anyos ang pina-kabata at 26 taon ang pinakamatanda.

Muling nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko hinggil sa pagbili ng mga secondhand na mga sasakyan, at hinimok na agad makipag-ugnayan sa kanila kung sakaling may mapansin na kahina-hinala.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga magnanakaw na nahaharap sa kaukulang kaso.