Advertisers

Advertisers

32 GSO workers ‘nameke’ ng GSIS loan documents

0 16

Advertisers

INIIMBESTIGAHAN ang 32 empleyado ng General Services Office (GSO) ng Bacolod City dahil sa umano’y sabayang pamemeke ng mga dokumento.

Ayon sa City Legal Office (CLO), sangkot ang mga utility worker, clerk, at driver sa “mass falsification scheme” para makakuha ng Government Service Insurance System (GSIS) computer loan.

Nag-iba umano sila ng mga pay slip, loan form, at net pay certification para maabot ang minimum na P7,000 net pay requirement, kahit ang totoong net pay nila ay nasa higit P5,000 lamang.



Natuklasan ang iregula-ridad noong Nobyembre 12 nang mapansin ng Management Information Technology and Computer Services (MITCS) staff ang mga inconsistency sa pay slips habang pinoproseso ang payroll.

Kinumpirma na ang assistant GSO head ang pumirma sa mga kuwestiyonableng dokumento.



Ayon sa imbestigasyon, may ilang empleyado na nagbaba-yad ng P200 para ipagawa ang falsification, habang ang iba ay sila mismo ang nag-edit.

Sa ngayon, hinihintay ng CLO ang written explanation ng mga empleyado at ng assistant GSO head.



Kung mapatunayang nagkasala, posible silang maharap sa mga kasong administratibo (dishonesty at misconduct), na may pinakamataas na parusang dismissal.