Advertisers
Ni Anne Venancio
ALIGAGA na si Kiray Celis para sa nalalapit na kasal niya sa fiancé na si Stephan Estopia ngayong Disyembre na para sa kanya, pribado ang selebrasyon.
Kwento ni Kiray, tumaas na ang kanilang wedding expenses mula sa original na budget na P500K dahil sa mga dagdag na kailangang bayaran habang papalapit ang big day.
Inamin din ni Kiray na tinanggihan niya ang suggestion na magkaroon sila ng destination wedding dahil masyado raw itong magastos, bukod pa sa isinaalang-alang niya ang kalagayan ng kanyang mga magulang na senior citizens na.
Kinumpirma rin niya na wala silang prenuptial agreement ng fiancé dahil pareho naman silang may sariling Negosyo.
Samantala, umani ng bashing ang kanilang prenup photo shoot sa Japan kung saan nakaupo si Kiray sa ibabaw ng vending machine.
Paglilinaw niya, may pahintulot sa lugar ang naturang photo shoot pero mas minabuti nalang niya na i-delete ito at nag-sorry nalang sa mga netizens.
Patuloy ang preparasyon ni Kiray para sa kanilang kasal, at ayon sa aktres, mas pinipili nilang panatilihin itong simple at tahimik, taliwas sa inaasahang engrandeng selebrasyon.