Advertisers

Advertisers

PAGLILITIS KAY MISFIT SARA, MATUTULOY

0 41

Advertisers

SA sandaling matapos ng Kongreso sa pagpanday at pagpasa sa panukalang national budget sa 2026, walang hadlang na ituloy ng Senado ang naantalang impeachment trial ni Misfit Sara. Walang katwiran na hindi ituloy ang nabalam na paglilitis sa Misfit kaugnay sa Articles of Impeachment na isinumite ng Camara de Representante noong ika-5 ng Pebrero at hinarang ng ilang tiwaling senador tulad ni Tricky Tsis at Joel Villanueva.

Kasalukuyang nasa Archive ng Senado ang Articles of Impeachment laban kay Misfit Sara. Hindi tuwirang ibinasura. Buhay ito bagamat nasa limbo. Kailangan may senador na naglalatag ng mosyon upang muling buhayin ang Articles at segundahan ng isang senador upang ilagay sa kalendaryo ang Articles. Sa sandaling mangyari ito, tuloy tuloy na ang paglilitis sa Misfit.

May mga pahiwatig na ito ang direksyon ng Senado. Noong ika-19 ng Nobyembre, ibinagsak ni Sen. Kiko Pangilinan na matutuloy ang paglilitis habang sinasagot niya ang mga tanong ni Jinggoy Estrada (nandidiri kaming tawagin siyang senador) hinggil sa panukalang budget ng Hudikatura sa 2026. Hindi tutol si Kiko sa panukalang budget ng Hudikatura at siya ang nagbibigay katarungan dito sa deliberasyon ng Senado.



Ipinaliwanag ni Kiko na nagkaroon ng “judicial overreach” ng ideklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang paglilitis ni Misfit Sara at magtakda ng kung ano anong kondisyon bago litisin sa isang akusado. Judicial overreach ang pariralang ginagamit sa pagkakamali sa anumang desisyon ng Korte Suprema lalo na kung sumasaklaw ito sa ilang aspeto ng batas na walang poder ang Mataas na Hukuman.

Ipinaliwanag ni Kiko na maaaring tuluyang isantabi ng Senado ang desisyon ng Korte Suprema na ibinaba noong ika-25 ng Hulyo. Sa maili, hindi kailangan hintayin ng mga senador kung paano sasagutin ng Korte Suprema ang ilang motion of reconsideration na iniharap ng Camara at dalawang grupo upang baligtarin ang naunang desisyon.



Ipinaliwanag ni Kiko ang teoryang mas mataas ang Senado bilang hukuman sa usapin ng impeachment kesa Korte Suprema. Sa mikli, hindi ang Korte Suprema ang mananaig pagdating sa impeachment. Hindi maaaring saklawin ng Korte Suprema ang poder ng Senado pagdating sa usapin ng impeachment. Hindi halal ng bayan ang mga mahistrado. Hindi sila tulad ng mga senador.

Pinakamaganda ang timing na ituloy na ng Senado ang paglilitis ns binalam ni Tricky Tsis at alipures tulad ni Joel, Jinggoy, at Alan Peter Cayetano at kahit na si Rodente Marcoleta. Pinangalanan na ang mga tiwaling senador sa sangkot umano sa bilyon-bilyong pisong nakawan sa flood control scandal. Hindi nila muling nahaharang ang lehitimong hakbang na managot si Misfit Sara sa kanyang kasalanan sa bayan.



Bukod diyan, may sapat na bilang upang tuluyang nilitis si Misift Sara at pagharap sa Senado upang magpaliwanag kaugnay sa paglustay umano ng salapi ng Bayan, at iba pang kasalanan na ibinibintang sa kanya. Wala siyang katwiran upang tumalikod sa hinihingi sa kanya na bayan.

***

INAMIN NI Kin. Leila de Lima na maraming opisyales ng PNP na sangkot umano sa malawakang patayan, o extra judicial killings (EJKs) ang naniniwala na tama ang kanilang pagpaslang sa mga mahihirap at walang lakas na pinaghinalaan na adik or tulak umano. Hingi nila tinatanggap na labag sa batas ang ginawang pagpuksa kanila.

Ito ang dahilan kung bakit hahabulin tayo ng alaala ng madugo pero bigong digmaan kontra droga ni Gongdi, aniya. Hanggang ngayon, walang pag-amin sa kapalpakan ng maraming opiyales ng PNP na hindi ibinatay sa pangingibabaw ng batas (rule of law) ang kanilang ginawa oong si Gongdi ang pangulo. Mananatili sa alaala ng bansa sa maraming taon ang karumal-dumal na yugto ng ating kasaysayan – ang war on drugs ni Gongdi.

Pinakamahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga malalaking isda na sangkot sa palpak na digmaan kontra droga. Kailangan na maparusahan ang mga pangunahing karakter na umugit ng war on drugs na kumitil sa buhay ng mga kababayan na maaaring umabot sa 30,000 a bilang. Nandiyan ang mga pangunahing isda tulad ni Gongdi, ang arkitekto na mapaminsalang giyera kontra droga; Bato, ang pangunahing tagapagpatupad ng programa; at Bong Go, ang paymaster na namigay ng pabuya at gantimpala sa mga pulis na sangkot sa giyera kontra droga.

Huwag rin makalimutan si Oscar Albayalde at Debold Sinas na pawang humalili kay Bato bilang hepe ng PNP at ibang nilalang tulad ni Jose Calida, Vitaliano Aguirre, Alan Peter Cayetano, Dick Gordon, at iba pa. Maaaring litisin sa ICC sina Gongdi, Bato, at Bong Go, at paharapin sa lokal na hukuman ang iba. Ito ang dahilan kung bakit nagpapakamatay si Misfit Sara na humalili kay BBM.

***

BALIK serbisyo si Hen. Nicolas Torre III. Bibigyan ng utos na siluhin ilang mga nagtatago tulad ni Bato, Bong Go, at ilang senador na sangkot sa flood control scam.