Advertisers

Advertisers

Kilos-protesta ng mga komunista

0 69

Advertisers

MAG-INGAT sa nakatakdang kilos-protesta sa Linggo sa Luneta, ang “Baha sa Luneta 2.0”.

Oo! Ito ay isang kilos ng panlilinlang. Hindi ito Part 2 ng nakaraang Iglesia ni Cristo (INC) mobilization for transparency and accountability.

Ang Nov. 30 protest na ito ay inorganisa hindi ng INC kundi ng makakaliwang grupo, mga komunista!, na hindi interesado sa pagsulong ng transparency and accountability kaugnay ng multi-billion flood control projects-related corruption investigations. Mismo!

Ang pinupursige ng leftist communist organizations na ito ay palitan ang gobierno ng ayon sa gusto nila. Kaya matagal nang isinusuka ng mga Filipino ang kanilang Godless ideology.-

Hindi na tayo magugulat kung ang bahagi ng “Baha sa Luneta 2.0” crowd ay biglang humiwalay at sumugod sa Mendiola area sa harapan ng Malacañang sa Linggo at magsimula na naman ng gulo. Ito kasi ang ginagawa nila sa tuwing magsagawa ng kilos-protesta – ang magkaroon ng kaguluhan o maging madugo ay nakakakuha ng national, kundi man international, attention.

Actually, dalawa ang political rallies sa Linggo sa Metro Manila. Ang isa sa okasyon ng Bonifacio Day— ang “Trillion Peso March”, at itong “Baha sa Luneta 2.0”.

Ang “Trillion Peso March Part 2” ay inorganisa ng Trillion Peso March Movement (TPPM) na binubuo at pinangungunahan ng religious groups ng Catholic Church, civil society at sectoral organizations, political formations at iba pang moderate circles na naghahangad papanagutin ang mga sangkot sa flood control scam mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang Baha sa Luneta 2.0, ito’y pinangungunahan ng leftist and communist groups na kinabibilangan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at ng Communist Party of the Philippines (CPP), na walang ibang isinisigaw kundi revolution sa halip na magsulong ng mga reporma.

Sa kanilang press conference bago ang kanilang rali sa Linggo, ang gusto mangyari ng mga lider ng ng Kilusang Bayan Kontra Kurakot (KBKK) ay pababain at ikulong sina President Marcos at Vice President Sara Duterte-Carpio.

Ang grupong ito ng KBKK ay tutol sa constitutional process of succession for a leadership change at ang gusto’y bumuo ng transition council para i-take over ang gobierno. Isa itong kalokohan!

Ang balak na ito ng KBKK ay binasura ni Caritas Philippines president at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo at Dumaguete Bishop Julito Cortes. Ayaw nila ng unconstitutional action! Ang gusto nila para sa mga Filipino ay komprontahin, supilin ang korapsyon and “demand justice, transparency and accountability … We don’t support any forces calling for a military junta, revolutionary government or similar actions. In other words, we adhere to the call of the Constitution that we should follow democratic processes.”

Actually, ang pinasimulan nang imbestigasyon ni Pangulong “Bogbong” Marcos ay lumalawak na, sabi nga ni Independent Commission on Infrastructure (ICI) Commissioner at dating DPWH Secretary, Rogelio Singson, inaasahan ng ICI na aabot ng hanggang 1,200 individuals ang makakasuhan ng kriminal sa kanilang pagkakasangkot sa umano’y kickback schemes na may kaugnayan sa at least 80 identified anomalous flood control projects na ginawa ng notorious contractors na pinangalanan na ni President Marcos. That’s it!