Advertisers

Advertisers

Pilipinas host ng WTA tournament sa 2026

0 76

Advertisers

NAPILI ang Pilipinas na maging host ng ng Women’s Tennis Association (WTA) tournament sa susunod na taon.

Naisali kasi sa listahan ng WTA calendar ang Philippine Women’s Open.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na WTA 125 Tournament na magaganap sa bansa mula Enero 26 hanggagn 31, 2026.

Tinatayang aabot sa 32 manlalaro sa singles draw at 16-team doubles ang matutungyahan sa hard court.

Mayroong kabuuang premyo ito na mapapanalunan na aabot sa $11,500 o katumbas ng mahigit P600,000.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chair Patrick Gregorio na matutunghayan dito ang galing ni Alex Eala at ilang mga sikat na pangalan sa tennis.