Advertisers

Advertisers

“Pop Rock Diva” Rozz Daniels Humataw At Bumirit Ng 20 Songs Sa Solo Concert Sa Viva Cafe; Sir David Proud Sa Kanyang Singer Wife!

0 89

Advertisers

Ni Peter Ledesma

In fairness, kahit masama ang panahon nitong Martes(Nov 25) ay tinao pa rin ang “A NIGHT WITH ROZZ DANIELS” sa Viva Cafe, ang first solo Concert ng Pop Rock Diva na si Rozz Daniels dito sa Pinas. And no exaggeration, pero hanep o superb talaga ang lahat ng ginawang number ni Rozz na majority ng kanyang kinanta ay bumirit talaga siya. Like ng popular song ng Aegis na “ANG BUHAY KO”, Nosi Balasi ni Sampaguita. Even her rendition ng 80’s hit ni Marissa Tubig na “Bulong ng Damdamin” ay ibang klase ang version ni Rozz na sobrang taas ng timbre ng boses. Lalo na nang kumanta na siya ng rock songs, grabe ang sigawan, hiyawan at palakpakan ng crowd. Yes isa lang ang aming masasabi Rozz Daniels, is a real performer and versatile singer na kayang kumanta ng iba’t-ibang genre.

May mga kinilig naman ng kantahin ni Rozz ang hit song at Quadraple record award ng April Boys na “Sana Mahalin Mo Rin Ako.” Bagay rin ito sa boses ni Rozz at may karapatan siyang mag-revive nito gaya ng Bulong Ng Damdamin.

Well, opening number pa lang ni Rozz na “Getting Party Started” ay nanggulat na ito kasama ang mga Gwapings na back-up Dancers na sina: Jiyeong Nepomuceno, Chan Chan, David Loterte, at Raymond Cadag. May duet number rin si Rozz with her sister and dance number sa niece Monica. Dalawa sa guests ni Rozz na sina Pearl of Tokyo na si Sheryl Alcantara Yusa at Jenelyn Tomiyama(Mrs Japan) ay parehong magaling rin. Rebelasyon rin sa amin ang performance ng iconic at respected Composer na si Doc Mon Del Rosario na kinanta ang dalawa sa maraming komposisyon na “Tamis Ng Unang Halik” at “Isang Linggong Pag-ibig” na kinwento niya sa concert ni Rozz, kung paano niya nabuo ang awiting ito.

Teary eyed naman kami ni my Dearly Ms. Salyn(Rosalyn Mariño Raymundo) of Police Files Tonite sa munting tribute ni Rozz Daniels para sa manager at kaibigang si Blessie Cirera, na maagang pumanaw last October. Dalawa ang kanta ang inihandog ni Rozz kay Ms. Blessie ang ‘”Somewhere In My Past” at “You Made Me Live Again” at very emotional si Rozz habang pine-perform at kitang-kita ang nangingilid ang luha. Yes sobrang miss na nito si Ms. Blessie na aking dear friend, na mahigit na 2 dekada naming naging entertainment editor dito sa PFT.

Kitang-kita naman sa mukha ni Sir David, na happy at proud siya habang pinapanood na nagpe-perform sa stage ng Viva Cafe, ang wifey sweetheart na si Rozz Daniels.

Well, promise ni Rozz abangan ang coming Big One Concert niya. Congratulations and Good luck!