Advertisers
Matinding tunay ang defending champion OKC sa NBA ngayon.
Aba’y sa puntong halos 1/4 ng season ay isa pa lang ang talo. 18- 1 ang kartada nila. Yan ang da bes sa buong liga.
Tanging ang Portland lang nakadaig kina Shail Gilgeous-Alexander. Pero nanalo na rin sila sa isang game kontra sa Trailblazers.
Mamaya haharapin nila ang Phoenix sa unang pagkakataon. Kapag panalo sila ay ika-19 na W yan.
Ayon kay Tata Selo ay OKC na lalabas na numero uno sa dulo. Mas maganda pa raw sa 68-14 nila dati ang magiging rekord. Si Shai din daw muling tatanghaling MVP.Talagang kukulog sa NBA kung gayon.
***
Atoy Co, Vergel Meneses, Benjie Paras, Allan Caidic, Gerry Esplana, Elmer Reyes, Freddie Hubalde, Amang Ladores, Benjie Paras, Padim Israel, JB Yango at Turo Valenzona,
Yan ay ilan lang sa mga retiradong player ng PBA na nakapunta sa salu-salo sa kaarawan ni ex-cager at ngayo’y vlogger na. Si Onchie de la Cruz.
Ginanap ang pagtitipon sa bahay ni Onchie sa Marikina.
Kantiyawan at tawanan to the max kaya masaya lahat ng nagsidalo.
” Nawala ang sakit ng tuhod ko na kaoopera lang, ” wika ni de la Cruz.
Pochero at barbecue lang inihanda ni Onchie pero marami nag-ambag o nagdala ng pagkain.
Plano nina Caidic na magpa-golf tournament para ang kikitain ay itulong sa mga dating hoopster na may kapansanan.
Kasabay pala ni Onchie ng kapanganakan na ika-27 ng Nobyembre sna bayaning Ninoy Aquino at kapwa basketbolista na si Gil Cortez.
***
Kita-kits bukas sa People Power Monument sa EDSA para sa Trillion Peso March. Pati ang Simbahang Katoliko at mga eskwelahan ineendorso ang rally kontra kurapsyon.
Inaasahan ang isang milyong katao kabilang ang ilang atleta. Mas malaki raw ito sa pagkilos noong ika-21 ng Setyembre sa parehong lugar.
Sino kayang manlalaro ng UAAP makita natin doon? Aktibo sa kilusan ang mga unibersidad ng liga eh.
Sa Lunes espwsyal na panauhin natin so Edwin Fernande, ng ANIM, iaa sa mga samahang nagoorgan8aa ng kilos-protesta.