Advertisers

Advertisers

Bato ‘di na mahagilap, ‘di sakop ng ‘No work, No pay’

0 45

Advertisers

NANINIWALA si Senador Win Gatchalian na hindi sakop ang mga senador ng tinatawag na “No Work, No Pay”.

Ginawa ni Gatchalian ang reaksyon bilang tugon sa mga tanong ng media tungkol sa matagal na pagkawala ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na hindi nakikita sa Senado mula nang ipagpatuloy ng Senado ang sesyon noong Nobyembre 11 kasunod ng isang buwang break.

“Sa pagkaalam ko, walang ganyan na set-up sa mga senator,” ani Gatchalian nang tanungin kung kahalintulad din nito ang sistema na ipinapatupad sa mga karaniwang manggagawa.



Ngunit nilinaw ni Gatchalian na hindi dapat basta lang iwan ng senador ang kanilang obligasyon lalo na ang budget deliberation kungsaan ang bawat mambabatas ay itinalaga upang idepensa ang badyet ng mga partikular na ahensya.

Ayon kay Gatchalian, ang tamang pamamaraan kung a-absent ang senador ay magpapadala ng pormal na liham sa converned committee na nagpapaliwanag kung bakit hindi siya makadadalo sa mga opisyal na gawain.



“The Senate President should also receive a formal letter stating why you cannot attend. These formal letters are important because they will be the official reason for a senator’s absence,” ani Gatchalian.

Si Gatchalian, chairman ng Senate finance committee, ang humalili para kay Dela Rosa noong nakaraang linggo upang ipagtanggol ang panukalang 2026 budget ng mga pangunahing ahensya tulad ng Department of National Defense (DND), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at National Security Council (NSC).



Nagsimula ang pagliban ni Dela Rosa matapos sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na naglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban sa kanya kaugnay ng war on drugs ng administrasyong Duterte. (Mylene Alfonso)