Advertisers

Advertisers

BBM–SARA “RESIGN” LALONG LUMALAKAS

0 10

Advertisers

LALONG lumalakas ang panawagang magbitiw na sa pwesto sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte matapos ang serye ng pasabog na nag-uugnay sa kanila sa umano’y multi-billion-peso flood control corruption scandal at confedential fund.

Nag-ugat ang panibagong bugso ng panawagan sa expose video ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, kung saan direkta niyang inakusahan si Marcos na nag-orchestrate ng umano’y ?100-billion insertion sa 2025 national budget.

Pero sabi ni House Deputy Minority Leader Antonio Tinio, hindi lang si Marcos ang dapat magbitiw—kasama rin si VP Sara, lalo’t siya ang papalit kung sakaling bumaba ang Pangulo.

Ayon kay Tinio, hindi magiging katanggap-tanggap na pamunuan ng Bise Presidente ang bansa kung may bahid din umano ng korapsyon, gaya ng: ?612.5-M confidential funds issue

Mga donasyong pangkampanya mula sa contractors, ayon sa Omnibus Election Code ay ipinagbabawal

Sa ulat ng PCIJ, tumanggap umano si Duterte ng ?19.9M na paid ads mula sa Esdveco Realty Corp., pag-aari ni Glenn Escandor — isang Davao construction magnate at sinasabing matagal nang kaibigan ng pamilya Duterte.

Nakakuha rin ang iba pa nitong kumpanya ng P2.9B na government projects.

Lumabas din sa report na si Marcos Jr. ay tumanggap umano ng: ?20M mula sa Rudhil Construction at ?1M mula naman kay Jonathan Quirante (Quirante Construction)

Parehong kontratista umano ang nakakuha ng mas malalaking proyekto pagpasok ng administrasyon.

Ipinaliwanag ni Tinio ang mandato ng Constitution, Article VII Section 8:

Kung parehong mabakante ang posisyon ng Pangulo at Bise Presidente,
Senate President ang pansamantalang papalit.

Kung bakante rin ito, susunod ang Speaker of the House.

Dapat ding magpatawag ng special election sa loob ng 40–60 days, matapos itong ipasa ng Kongreso within 7 days mula sa pagkaluklok ng acting president.

Samantala iginiit naman ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co ang umano’y utos sa kanya ni dating House Speaker Martin Romualdez na mag-deliver ng dalawang bilyong piso kada buwan na paghahatian umano nila ni Pangulong Marcos.

Sa panibagong video, inakusahan ni Co ang Pangulo na umano’y nagagalit pa rin kahit nasunod na ang pag-deliver ng male-maletang pera at ilang budget insertion. Sinabi rin niyang sumama umano ang loob ng Pangulo dahil wala umanong natatanggap na remittance.

“Noong November 2024, habang nasa proseso kami ng pagtatalakay ng budget, nakipag-meeting sa amin ni Speaker Martin si Usec. Jojo Cadiz. Sabi niya, masama raw ang loob ni Pangulong Marcos. Wala raw siyang natatanggap na remittance,” saad ni Co.

“At dahil laging napapagalitan si Speaker Martin ng Pangulo mula September hanggang November, inutusan niya ako na mag-deliver ng P1 bilyon para kay BBM,” dagdag pa niya.

Tutukan natin!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 0936-8625001/0939-7177977 o di kaya mag-email balyador69@gmail.com