Advertisers

Advertisers

SEC. VINCE DIZON ON THE WAY OUT?

0 29

Advertisers

Totoo bang nag- iisip na ngang layasan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon itong si Marcos Jr.?

Napipikon na raw umano ang masipag na mama sa ginagawang pambabaterya sa kanya ng mga KUPAL na kasamahan nito sa gabinete ni Bongbong Marcos.

Ang masakit pa,kung sino pa ‘yung mga tamad at malatuba pang mga sampay- bakod lamang na opisyal ang umiintriga kay Sec.Dizon!

Mga matatakaw sa perang takot masagasaan ng DPWH Secretary sa ginagawa nitong imbestigasyon at paghuhukay sa mga katarantaduhang sinawsawan ng ilang BBM boys na nasa inner circle ng Pangulo.

Dahil nga maraming bisyong nakakabit sa katawan at kaluluwa,hapit at sadyang sugapa sa delihensiya at easy money kaya panay ang sabiit sa korapsiyon at pagnanakaw sa bayan.

‘ Yan po ang grupong nais patalsikin si Dizon sa DPWH.

Una nang nabulgar ang magkapatid na Remulla na nasisira umano ang araw pagnakikitang nasa cabinet meetings itong si Sec.Dizon.

Pangalawa,ang mga alagang aso ni FL Liza Araneta Marcos na ewan ba kung bakit paboritong tahulan si Vince Dizon.

Kumukulo rin raw talaga ang dugo ni FL Liza dito sa Kalihim ng DPWH.

BIDA- BIDA daw kadi at masyadong playing hero ang datingan ni Sec.Dizon para sa First Lady. hahaha!

Magkasalungat din at magkaibang breeds daw ang mga bitbit na aso ni Dizon kesa sa mga asong alaga at namamahay sa Malacanang.

Naurat daw nang husto si FL Liza nang harangin ni Dizon ang designation ni Customs Commissioner Ariel Nepumuceno bilang bago sanang Kalihim ng DOTr na pinanggalingan ni Sec.Dizon.

Simula noon, badshot na umano si Dizon kay FL Liza at sa mga aso nito. Speaking of Sec.Dizon, inakusahan itong bias sa pagsibak at pagtatalaga ng mga opisyales sa DPWH.

Imbes umanong mga de- kalibreng engineers ang kunin at dalhin nito sa DPWH,pawang mga laos at retiradong heneral at opisyal ng AFP at mga pulpol na kaibigang abogado ang bitbit sa sisinghap- singhap na bakuran ng public works.

Paanong mapapatino umano ni Dizon ang bulok nitong tanggapan kung ganito ang diskarte nya?

Direktang pinuna rin ng media sa isang tabloid headline story ang patungkol sa isang District Engineer Ruby Canlas na kinokondena ng kanyang mga sariling tauhan sa Metro Manila Second District Engineering Office dahil sa absentism,tamad sa trabaho at mahilig sa SOP.

Base pa sa expose’,ang district engineer na si Ruby Canlas ay asawa ni DPWH Undersecretary Ador Canlas at kababayan ni Sec.Dizon na pare- parehong mga Kapangpangan.

Idinagdag pa na ang mag- asawang Canlas ay distant relative din ni Dizon.

Base pa rin sa nasabing published media report, ganito rin mailalarawan ang sitwasyon sa CAMANAVA area na patuloy na nalulubog sa madalas na pagbaha dahil sa inutil at incompetent na mga opisyales ng DPWH.

Ang mga opisyal ng DPWH ay sina District Engineer Ruel Umali at Assistant District Engineer Jun Macaalay na parehong proteges umano ni Caloocan 2nd district Congressman Dean Asistio na sinabit sa flood control projects mess sa isang Senate inquiry.

Wala umanong ginawang aksyon si Sec.Dizon laban kay Umali at Macaalay sa kabila nang direktang tinawagan ng pansin ang Kalihim para gumawa ng hakbang at imbestigahan ang ulat.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com