Advertisers

Advertisers

Da Kraken!

0 8

Advertisers

Aktibong-aktibo ngayon si Junemar Fajardo sa social media.

Kagagaling lang ng Guam ng ating pangunahing sentro para sa unang game ng Gilas vs sa team ng US territory. Ito ay para sa FIBA world Cup Asian Qualifiers. Ang 2nd match ay nilaro naman kagabi sa Blue Eagle Gym sa QC.page

Panay litaw daw sa FB wall ni Ka Berong ng mga reel sa Facebook ng tubong Cebu na basketbolista. Mula sa latest na biyahe ng Ph squad hanggang sa mga lakaran at kainan ng 9x MVP ng PBA ay matutunghayan natin sa FB account na Junemar Kraken Fajardo pati sa Basketball Journey.

Enjoy si Kaka panoorin ang pagkukulitan nila ni Japeth Aguilar. May namumulot pa kuno sila ng basyong bote ng tubig ng Barangay Ginebra team mate. Tapos sabi nila bahagi yon ng kanilang training.

May pagbibiro siya na kumakain pala ng adobo si Dwight Ramos, kakampi naman niya sa pambansang koponan na lumaki sa Amerika.

Yung iba pa ay hinggil sa pagbisita niya sa formal opening The House of Kraken, na apparel shop sa Zamboanga.

Siyempre hindi mawawala sa mga video clip ang pagtanggap niya mga tropeo at highlights ng mga laban niya sa PBA.

***

Kung may mga bilib kay Leni Robredo na mga dating player gaya nina Jayson Webb at Benjie Paras pati mga coach na sina Yeng Guiao at Chot Reyes ay iba naman ireng si Yancy Ocampo. Aba’y hanga pala ang laking Cavite na cager kay Sara Duterte. Siguro gusto ng utol ni Ranidel ng butangera at mahilig sa Mary Grace Piattos. Hehe.

***

Pareho pa rin ang istilo ng isang grupo ng mga Tsinoy sa pagpapadala ng mga delegasyon sa China. Tapos tinatawag nilang Pilipinas na koponan at ididikit ang pangalan ng sponsor. Kung minsan dalawa pa ang tagapagtaguyod.

Sa pagkakataong ito ay pinahawk na naman sa isang discredited coach.

Noon kasi sila ang makapangyarihan sa sport na ito. Kaso nabago na ang takbo ngayon.

Wala na sila sa NSA kaso humihirit pa rin.

Yung anak ng mentor ay player din nila. Pati kamo ang asistant coach may son din sa line -up.

May nabobola pa kasi silang mga kumpanya upang gastusan ang trip sa Fujian.

Sa partikular na team na ito nakuha rin nila ang isang LGU na suportahan sila.

Hay naku! Sana walang problema kung isang paaralan o comnercual team lang dala nila.