Advertisers
NAGMARTSA ang Ateneo de Manila University papunta sa stepladder semifinals matapos talunin ang Adamson University, 66-56, Linggo sa UAAP Season 88 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Lungsod ng Pasay.
Ang Blue Eagles, na huling nakarating sa Finals noong 2015, ay haharap sa defending champion at No. 2 seed na National University (NU) sa isang knockout match sa ganap na 10:30 ng umaga sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Natalo ang Ateneo sa parehong laro sa elimination round laban sa NU, 79-83 sa unang round at 47-69 sa pangalawa.
Nakaseguro na ang University of Santo Tomas ng unang slot sa Finals matapos ang 14-0 sweep.
“I just want to prove to NU that they are not the only ones who can compete at that level, but we can, too. We just pray for that win,” Wika ni Kacey Dela Rosa.
Nagtapos sina Oani at Malagar na may 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang si Sarah Makanjuola ay may siyam na puntos, 16 rebounds, limang assists, dalawang steals at dalawang blocks.
Si Elaine Etang ay may 18 ,anim na assists, 4 na rebounds, at 3steals, habang si Kemi Adeshina naman ay nagdagdag ng 10 puntos at 9 rebounds para sa Lady Falcons, na nakuha ang huling tiket sa semifinal.