Advertisers

Advertisers

ZALDY CO, NASA EUROPA?

0 10

Advertisers

HINIHINALANG nasa Portugal si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.



Ito ang inihayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa gitna ng nagpapatuloy na paghahanap at imbestigasyon kaugnay sa kaso ni Co.

Sa press conference sa Malakanyang, nanawagan si Remulla sa mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo na agad kunan ng litrato at i-post online sakaling makita ang dating kongresista.



Ayon sa kalihim, makatutulong ang publiko sa mabilis na pagkalap ng impormasyon sa kinaroroonan ni Co.

Dagdag pa niya, patuloy ang koordinasyon ng pamahalaan sa international partners para matunton ang dating mambabatas. (Gilbert Perdez)