Advertisers

Advertisers

Mayor sa Pampanga pinaaaresto sa kasong graft

0 7

Advertisers

INISYUHAN ng warrant of arrest si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil dahil sa kasong ‘graft’.

Inilabas ng Pasig Regional Trial Court Branch 265 ang arrest warrant dahil sa paglabag ni Capil sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.



Kaugnay ito ng operasyon ng POGO hub sa Pampanga na Lucky South 99, na sangkot sa mga ilegal na aktibidad tulad ng ‘human trafficking’.

Batay pa sa dokumento ng korte na may petsang Nobyembre 28, inirerekomenda ang piyansang P90,000 sa pitong bilang ng mga kaso.

Ipinag-utos na sa mga awtoridad na arestuhin si Capil sa Porac Municipal Hall o saan man siya matagpuan.

Matatandaang sinibak si Capil noong Abril ng Office of the Ombudsman dahil sa kasong ‘gross neglect of duty’, ngunit nanalo parin bilang mayor noong May 12 election.