Advertisers
SUMUKO na ang anim na natitirang pulis na suspek sa pagnanakaw at panggagahasa sa grade 9 na estudyante sa Cavite.
Nasa kabuuan 14 pulis ang sangkot sa nasabing krimen, at nauna nang sumuko ang walo sa mga ito.
Sa pulong balitaan sa Kampo Krame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) acting PNP Chief Lt. General Jose Melencio Nartatez, Jr., hawak na nila ang anim na natitirang suspek na mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group.
Ayon naman kay DEG Director , Colonel Elmer Ragay, sa 14 sangkot ay isa lamang dito ang nakasuhan ng rape, ang team leader na may ranggong Lieutenant Colonel.
Ayon pa kay Ragay, ang mga sangkot na pulis ay na-relieve na sa pwesto at naka-detain sa Headquarters Support Service sa Kampo Krame.
Matatandaan na ang babaeng biktima ay nobya ng lalaking subject ng mga nasabing police ng PDEG sa operasyon patungkol sa iligal na droga at tinuturing na isang high value individual.