Advertisers
SINIBAK sa puwesto ang siyam na pulis ng Navotas kaugnay ng “pangto-torture” sa dalawang suspek sa pagpatay para paaminin, ayon sa Philippine National Police.
Sinabi ni PNP Spokesperson, Brigadier General Randulf Tuaño, bukod sa walong pulis na inireklamo, sinibak din sa pwesto ang chief investigator ng Navotas Police Station dahil sa umano’y kawalan ng aksyon matapos ang mga reklamo ng mga detainee.
Dinala na naturang mga pulis sa District Personnel Holding and Accounting Unit.
Matatandaang nasakote ang dalawang suspek Nobyembre 8 kaugnay ng pamamaril sa Barangay Bangkalusi noong Nobyembre 3. Ayon sa abogado ng mga suspek, naganap ang “torture” sa intelligence section ng Navotas City Police Station.
Nagsampa sila ng kaso Nobyembre 20 laban sa walong pulis para sa grave misconduct, serious irregularities in the performance of duty, conduct unbecoming of a police officer, at paglulunsad sa Anti-Torture Act sa IAS.
Sinabi rin ni Tuaño na nagsagawa ng imbestigasyon ang IAS sa parehong mga pulis at complainant noong Huwebes, habang ang National Police Commission (Napolcom) ay naglunsad ng sariling pagsusuri noong Biyernes.
Una nang itinanggi ng Navotas City Police Station ang alegasyon ng torture.(Beth Samson)