Advertisers

Advertisers

2 SA 3 OPISYAL NG SUNWEST NI ZALDY CO SUSUKO – CIDG

0 72

Advertisers

NAGPAHAYAG ng kahandaan sa pagsuko sa mga otoridad ang dalawa sa tatlong officials ng Sunwest Construction and Development Corporation na akusado sa korapsyon at katiwalian sa flood control project, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ito ang inihayag ni Major General Robert Alexander Morico II sa isinagawang press briefing sa Camp Crame sa Quezon City.

Ayon kay Morico, dalawang official ng Sunwest Construction and Development Corporation ang nagpadala ng kanilang feeler upang sumuko sa pamamagitan ng kanilang mga kamag-anak .



“Sa tatlo, ongoing ang manhunt operation, although two they sent already surrender feelers. We must understand na yung tatlo kasi na hinahanap na nasa local although nakita natin na mataas ang posisyon nila sa company nila but dummy lang yun, so basically they do not have the money and capacity to pay for a lawyer para sa sarili nila,” pahayag ni Morico.

Tumanggi si Morico na tukuyin ang pagkakakilanlan ng dalawang officials ng Sunwest habang nagpapatuloy ang negosasyon o pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng back channel, habang nagpapatuloy naman ang paghahanap o pagtugis sa mga akusado.



Nauna rito, sinalakay ng pinagsanib na mga elemento ng CIDG at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang hotel sa Pasay City upang isilbi ang warrant of arrest na ipinalabas ng Sandiganbayan laban sa tatlong akusadong mga Board of Director ng Sunwest na sina Consuelo Dayto Adon, Anthony Li Ngo, at Noel Yap Cao. Nabigo ang mga otoridad na matagpuan ang mga ito sa nasabing Hotel.

Sa 16 akusado, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang 9, habang tinutugis pa ang 7 individuals kabilang si dating Ako Bicol Representative. Zaldy Co, dating House appropriations panel chairperson; Timojen Sacar, DPWH materials engineer; Aderman Alcazar, president at board chair ng Sunwest Construction; at Cesar Buenaventura, treasurer and board member ng Sunwest Construction na nagtatago sa ibang bansa.



Kaugnay ng corruption at malversation of public fund ang Warrant of Arrest na inihain ng office of the Ombudsman hinggil sa maanolyang P289-million flood control project sa Oriental Mindoro.(Mark Obleada)