Advertisers
UMABOT sa 9,027 mga pulis ang tuluyang inalis o tinanggal sa serbisyo sa pagkakasangkot sa iba’t-ibang iligal na aktibidades na bahagi ng patuloy na paglilinis sa hanay ng Pambansang Pulisya, ayon kay Philippine National Police chief Lt. General Jose Melencio Nartatez, Jr.
Sa datos ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), mula Hulyo 2016 hanggang Nob-yembre 26, 2025, sinabi ni Nartatez na nasa 32,698 pulis ang napatunayang nagkaala sa ibat-ibang kasong administratibo.
Mula sa nasabing bilang na 32,698, nasa 9,027 pulis ang tinanggal sa serbiyo, 1,725 ang pinatawan ng pagbaba ng kanilang mga ranggo, habang 15,311 ang sinuspinde matapos sumailalaim sa due process.
Habang 1,221 pulis ang pinatawan ng forfeiture of salary, 4,355 ang binigyan ng reprimand, 528 ang nakatanggap ng restriction, at 531 ang tinanggalan ng ilang pribilehiyo
Sinabi ni Nartatez na 1,037 ng mga pulis ang tinanggal sa serbiyo na sangkot sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga o nagpositibo sa drug test, patunay sa walang humpay na kampanya ng PNP laban sa mga tiwaling pulis at paninindigan ng organisasyon laban sa ilegal na droga, sa komunidad man o sa loob mismo ng institusyon.
Aniya, sa unang 92 araw ng kanyang liderato, 1,339 kasong administratibo na kinasasangkutan ng 2,308 pulis ang nalutas o naresolbahan. Sa bilang na ito, 428 personnel ang tinanggal sa serbisyo, 71 ang ibinaba ang ranggo, at 448 ang sinuspinde, habang ang iba ay pinatawan ng iba’t ibang parusa.
Samantala 1,152 kaso ang naresulta ng dismissal o exoneration. (Mark Obleda)