Advertisers
PINAGHAHANAP nga-yon ng pulisya ang isang lalaking patagong nagtatanim ng marijuana nang isuplong ng ka-live-in ang pananim na marijuana sa isang masukal na lugar sa likuran ng Municipal Tourism Office sa Impasug-ong sa Bukidnon, Region 10.
Natunton ng mga pulis ang eksaktong kinaroroonan ng naturang mga tanim na marijuana nitong Lunes, December 1, 2025, batay sa sumbong ng babaeng karelasyon ng nagtanim nito.
Ayon sa impormanteng babae, hindi niya alam noong una na marijuana ang mga pananim ng kanyang live-in partner.
Napilitan siyang magsup-long sa Impasug-ong Municipal Police Station nang malaman niyang marijuana ang mga tanim ng kanyang live-in partner sa naturang lugar, na akala niya noong una mga gulay lang.
Natunugan ng mister ang ginawang pag-report sa pulisya ng karelasyon kaya agad itong nakatakas, ayon sa barangay officials at mga imbestigador mula sa Impasug-on Municipal Police Fforce.