Advertisers
ITO ang post sa social media ni dating Presidential spokesman Atty. Harry Roque na kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands kungsaan nakabase ang International Criminal Court (ICC).
Advise ni Roque sa kaalyadong si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa: “Magtago ka na kung ayaw mong makidnap gaya ni Tatay Digong (ex-President Rody Duterte).”
Ang post na ito ni Roque ay nagkumpirma sa naging pahayag kamakailan ni Ombudsman “Boying” Remulla na nakatanggap ito ng kopya ng ICC arrest warrant laban kay Bato.
Simula nang ianunsyo ito ni Ombudsman Remulla, nagtago agad si Sen. Bato. Mag-isang buwan na siyang hindi makontak at ‘di nagpapakita sa publiko, pero buo ang kanyang sinusuweldo.
Sabi ni dating Senador Antonio Trillanes, malamang si Bato ay nagtatago sa Davao City at hindi na raw ito lalabas pa. Mismo!
Nauna nang sinabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla, nakababatang kapatid ni Ombudsman Boying, na oras nakatanggap sila ng kopya ng ICC warrant laban kay Bato, io-operate nila ito. Oo! ‘by hook or by crook’ aarestuhin nila si Bato saan mang lungga ito magtago.
Sabi nga ni Trillanes, gusto niyang kasama siya sa pag-aresto kay Bato. Siya raw mismo ang magpoposas dito, bilang sagot sa hamon noon sa kanya ni Bato na posasan siya.
Sabi naman nig nakatabing Chief PNP, General Nicolas Torre, nakahanda siyang hanapin si Bato kapag inutos sa kanya ni Pangulong “Bongbong” Marcos.
Maaalanglang si Torre ang nanguna sa pag-aresto kina Pastor Apollo Quiboloy at ex-President Duterte.
Si Quiboloy ay natagpuan ni Torre na nagtatago sa ilalim ng lupa sa “paraiso” ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City. Nakakulong ito ngayon sa Taguig City Jail sa mga kasong walang piyansa.
At si Digong naman ay binulaga ni Torre sa NAIA Terminal 3 pagdating ng una mula sa pamamasyal sa HongKong. Nakakulong ito ngayon sa ICC Jail sa Netherlands.
Kaya kaabang-abang itong paghahanap kay Bato. Kung sino man ang makahuli sa kanya, malamang may instant promotion. Hehehe…
***
Ang isa pang kaabang-abang ngayon ay ang paglabas ng arrest warrant sa mga akusado sa multi-billion flood control scandal.
Ayon kay Ombudsman Remulla, may ilang senador at kongresista ang magpa-PASKO sa kulungan. Abangan!