Advertisers

Advertisers

1 nasawi, 17 inilikas sa sunog ng pribadong ospital sa Bulacan

0 19

Advertisers

Bigong maisalba ng mga rescuers ang buhay ng isang pasyente sa ICU ng Ourlady of Mercy General Hospital habang 17 pasyente rin ang inilikas at dinala sa iba’t-ibang pagamutan, nang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali 1:00 ng madaling araw Disyemvre 8, 2025 na umabot sa 3rd alarm sa Brgy. Lungos Pulilan, Bulacan.

Ayon sa Bureau of fire Protection naging pahirapan ang paglilikas ng mga rescue responders at bumbero sa 17 pasyente, na idinaan sa winasak na bintana sa north wing ng pagamutan.

Kinilala ang nasawing pasyente na si Ret.P/Cpt. Marcelino Leonardo.



Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, nagsimula umano ang sunog sa likurang bahagi ng Medicine refrigerator na nasa loob ng kanilang pharmacy sa ikalawang palapag ng gusali, sa south wing ng ospital.

Nabatid na 3:00 ng madaling-araw, pinangunahan ni Pulilan Mayor Rj Peralta ang pag-supervise sa pagresponde ng mga fire trucks at ambulansya.



Ayon naman kay Kag. Grezaldy Adriano, na unang rumisponde sa sunog, tatlong sanggol at 10 mga pasyente ang agad nilang nasagip aniya sa unang pagkakataon dito nila nagamit ang mga trainings ng MDRRMO sa pagsagip ng buhay.

Ganap na 5:40 ng umaga nitong Lunes nang ideklarang fire out ang naturang sunog.



Samantala, patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng BFP, sa pinagmulan ng apoy at kung gaano kalaki ang pinsalang idinulot ng sunog.(Thony D. Arcenal)