Advertisers

Advertisers

LABORATORYO NG DROGA SA RIZAL, SINALAKAY NG RIZAL PNP AT PDEA!

0 107

Advertisers

Pinaniniwalaang milyong halaga ng sangkap at gamit sa paggawa ng droga ang narekober sa pinaniniwalaang loboratoryo ng Rizal PNP at PDEA sa Binangonan Rizal.

Sa inisyal na ulat sa tanggapan ni Rizal PNP Provincial director Col. Feloteo Gonzalgo, gamit ng mga operatiba ang search warrant dakong 11:40 ng gabi at sinalakay ang umano’y laboratoryo sa Lot-2, Blk-2, Brgy., Macamot sa nabanggit na bayan.

Narekober sa lugar ang 80 piraso ng puting gallon na may lamang liquid substance na pinaniniwalaang controlled precursors and essential chemicals gamit sa paggawa ng droga o shabu.

Habang 25 plastic bottle may lamang take mollases, 5 plastic container ng liquid substance.
Sampung (10) kilo ng ephedrine, 15 round plastic bottle na may lamang liquid.
Sampung kilo ng powdered substance na nasa 200 gramo ng white crystalene substance ng shabu.

Mahigit 10 kilo ng brownish powdered substance, Tatlong (3) sako ng white crsytalline subatance, isang green container ng liquid at iba’t -ibang drug paraphernalia, equipment at apparatus.

Paniwala ng awtoridad, organisadong grupo ng foreign national at kasabwat na Pinoy ang nagpapatakbo ng nabuwag na laboratoryo ng droga sa Binangonan Rizal.

Nahaharap ang suspek na di na pinangalanan ng pulisya sa kasong Section 8 (Manufacture of Dangerous Drugs and/or Controlled Precursors and Essential Chemicals) Article II of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Edwin Moreno)