Advertisers

Advertisers

‘KANDIDATURA NI SARA NOONG 2022 PINONDOHAN NG DRUG LORDS AT POGO OPERATORS’

0 33

Advertisers

NAGLABAS ng kanyang sworn affidavit si Ramil Madriaga, na nagpakilalang direktang nagtrabaho kay Vice President Sara Duterte, para idetalye ang ilan niyang alegasyon laban sa bise.

Kabilang dito ang umano’y pagpondo ng POGO operators at drug dealers sa mga grupong sumuporta sa kandidatura ni VP Duterte noong 2022 elections.

Isiniwalat din ni Madriaga ang umano’y mga delivery ng duffel bags na may mga lamang pera.



Si Madriaga ay kasalukuyang nakakulong sa BJMP sa Taguig City dahil sa kasong kidnapping. Ipinababasura niya ito sa korte.

Ayon sa kanyang abogadong si Atty. Raymund Palad, nagdesisyon si Madriaga na ilahad ang nalalaman dahil sa pangamba sa kaniyang kaligtasan. Kasunod ito ng pagbisita sa kaniya ng ilang may koneksyon kay VP Sara.



Wala naman umanong namilit kay Madriaga para maglabas ng sinumpaang salaysay.

Plano ni Madriaga na gamitin ang kaniyang affidavit para maghain ng reklamo sa Ombudsman.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">