Advertisers
MALINAW na inilatag ni BBM ang kanyang mga legislative agenda sa natitirang dalawang taon at kalahati ng kanyang panguluhan. Sa pulong ng Legislative-Executive Development Council (LEDAC), inilatag ni BBM ang pagsasabatas ng mga panukala: una, ipagbawal ang dinastiya pulitikal; pangalawa, pagtatatag ng isang malayang people’s commission na magsisiyasat sa korapsyon sa gobyerno; ikatlo, mga pagbabago sa party list system; at ikaapat, tuwirang pagsasapubliko ng proseso ng pagsasabatas ng pambansang budget.
Kinilala ng LEDAC ang mga panukalang batas sa apat na larangan bilang mga pangunahing pakay sa natitirang termino ni BBM. Kailangan isabatas ang mga panukala upang makilala sa kasaysayan ang kanyang termino bilang panguluhan ng pagbabago. Malayo ito sa panguluhan ni Rodrigo Duterte na kinilala bilang panguluhan ng maramihang patayan at pandarambong.
Halos tapos na si BBM sa kanyang agenda para sa 2025. Ganap na napahina ang kampo ni Gongdi ang kanilang pangkat na nais mangibabaw sa bansa upang sila ang maghari sa 2028. Napilay ang mga plano na iluklok si Misfit Sara at nawalang para bula ang kanilang hangaring padapain ang panguluhan ni BBM sa isang kudeta.
Nadakip si Gongdi at kasalukuyang nakapiit sa piitan ng ICC sa Olandiya. Sumailalim siya ng proseso ng ICC kaugnay sa sakdal na crimes against humanity na iniharap sa anya ni Sonny Trillanes at iba pang grupo. Sisimulan na ang paglilitis laban kay Gongdi at hindi kami magtaka kung hatulan siya ng ICC na mabilanggo hanggang mamatay siya sa piitan.
Mukhang matutuloy sa Enero ang impeachment trial ni Misfit Sara sa Senado. Haharap si Misfit sa paglilitis kaugnay sa Articles of Impeachment na iniharap ng Camara de Representante laban sa kanya. Nabulunan ito ng kumampi si Tricky Tsis kay Misfit. Ngayon, nahaharap si Tricky Tsis sa krimen ng plunder at maaaring siyang makulong bago ang Pasko.
Ganap na napahina ang mga kakampi ni Gongdi. Nagtatago si Bato dela Rosa dahil tumanggi siyang harapin ang mga bintang sa kanya sa ICC. May bumaba na arrest warrant sa kanya ang ICC at desidido ang gobyerno ni BBM na isuko siya. Susunod si Bong Go na pinaghihinalaan na pumondo sa madugo pero bigong digmaan kontra droga ni Gongdi.
Kasama rin sa kanyang agenda sa 2025 ang pagsisiwalat sa pandarambong sa salapi ng bayan kaugnay sa flood control scam. Naglantaran na ang mga maysala st saksi sa bilyon bilyong piso nakawan at kinilala ang mga salarin. Makukulong ang ilang salarin tulad ni Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Joel Villanueva, at Tricky Tsis. Tumigil na silang sa pagmamalinis.
Ito ang mga dahilan upang maging malaya si BBM na isabatas ang mga panukalang pagbabago. Inaabangan ng sambayanan ang batas na nagbibigay bisa sa probisyon ng Saligang Batas na nagbabawal sa mga dinastiyang pulitikal. Itinuturing na balakid sa kaunlaran ang mga naglipanang pamilyang pulitikal. Marami sa kanila ang sangkot sa korapsyon.
Kailangan na rin baguhin ang batas sa party list system. Masyadong nasalaula ang sistema dahil naglipana ang mga party list group na walang ipinaglalaban. Naging kasangkapan na rin ito ng mga dinastiya pulitikal. Hindi na namin tatalakayin ang pangangailangan na isabatas ang isapubliko ang sistema sa pagpasa ng pambansang budget.
***
HINDI namin nakuhang naawa kahit katiting sa naglipanang larawan sa social media ni Bong Revilla na nakasaklay at may plaster cast ang kanang paa. Inis ang aming nadarama sa kanyang “paawa effect.” Walang kadala-dala si Bong. Minsan ng nakulong sa salang pandarambong sa kaban ng bayan. Ayan na naman siya. Sabit muli.
Hindi namin maintindihan kung bakit sangkot silang dalawa ni Jinggoy Estrada sa usapin ng pandarambong. Kapag may eskandalo, nandiyan sila palagi bilang mga pangunahing suspect. At napakalaki ng halagang napupunta umano sa kanila. Hindi pangkaraniwan. Katakawan sa salapi ng bayan – iyan ang sakit nilang dalawan.
***
MGA PILING SALITA: “Gongdi’s concept of revolutionary government won’t fit in because it’s fatherless. Emilio Aguinaldo’s revolutionary government had the 1896 Revolution as its father; Cory Aquino’s had 1986 EDSA People Power Revolution. Nasaan ang rebolusyon ng RevGov ni Gongdi? Sa totoo, utot lang ng naimpatsong utak ng baliw ang pinagsasabi niyang revolutionary government na lulutas daw sa ‘lahat ng suliranin natin.’ Niloloko lang tayo…” – PL, netizen, kritiko