Advertisers
Mapalad ang Marikina na maging venue ng Extra Terrific na Eugene Torre Chess Museum.
Napadpad tayo noong isang Biyernes sa Gen Ordonez kanto ng Maroon, Concepcion Dos, Marikina upang makapanayam ang unang grandmaster na Asyano.
Nasa loob ang museo sa isang resto na nasa menu ang mga masasarap na pagkaing Pinoy.
Ipinakita sa atin ni Torre ang mga memorabilia tulad ng mga tropeo at medalya na natanggap ng ating pambato sa ajedrez. Napansin rin natin ang mga importanteng larawan niya gaya ng kuha nilang sampung magkakapatid kasama ng mga magulang. Pati ang blow up ng maging cover siya ng magasing Panorama.
Madalas ay naroon ang ating national treasure para estimahin ang mga pumapasyal sa lugar.
Ngayon ay nasa Thailand si Eugene bilang coach ng ating pambansang koponan sa SEA Games.
***
llan sa mga dumalaw sa burol ni CoachJimmy Mariano sa Loyola Chapels ay ang mga player niya sa Presto Tovoli noong 1990.
Nandoon sa lamay si Allan Caidic na naglaro rin sa UE Warriors noong mentor din doon si Maroano. Nakiramay din sina Padim Israel, Onchie de la Cruz at Willie Generalao.
***
Umabot naman ng semis ang ipinadala ng discredited group sa isang torneo sa China.
Ito na ang best finish sa 24 na taon na paglahok ng pangkat ng mga Tsinoy na may hawak dati ng basketball sa Pinas.
Isa sa tinalo ng koponan ay yung UAC Kings (80-76), isang fitness gym mula sa Australia.
Nadaig din nila ang isang team ng Xiamen.
Sana sa susunod gayahin nila ang mga galing Down Under na nagpakilala bilang isang athletic club at hindi ginamit pangalan ng kanilang bansa.
***
Tuwang-tuwa si Aling Barang sa big win ni Geli Bulaong sa SEA Games na ginaganap ngayon sa Thailand.
Nagwagi ang konsehala nila sa Malolos ng ginto sa MMA modern 60 kg event noong isang araw.
Proud na proud ang ale sa ipinanalas ngvkababayang Bulakenya. Fellow din kasi si Bulaong ng Jesse Robredo Foundation. Nababalanse raw kasi ni Geli ang paglilungkod sa kanilang siyudad at ang paboritong sport.
Ganoon ang mahusay na lider. May disiplina.