Advertisers

Advertisers

Sarah Discaya puede lumabas ng NBI

0 18

Advertisers

MAAARING umalis si Sarah Discaya sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil wala pang inisyu na warrant of arrest laban sa kanya, ayon kay NBI Director Angelito “Lito” Magno nitong Lunes.

“Of course, since wala pang warrant of arrest, we cannot legally hold her,” ani Magno.

Sumuko si Discaya noong nakaraang linggo matapos ipahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”



Marcos Jr. na inihahanda na ang warrant of arrest kaugnay ng anomalya sa flood control projects.

Ayon sa kanyang kampo, ang pagsuko ay isang “strategic legal move” at hindi pag-amin ng kasalanan.



Ani Magno, kung maglalabas ng warrant ang regional trial court, isusunod ito ng mga operatiba ng NBI.

“If ever it will come out, we will serve the warrant. It will be booked, fingerprinted, photographed, and then we will return the warrant,” dagdag niya.



Haharapin ni Discaya at ng siyam iba pa ang kasong malversation ng pondo ng publiko at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay ng P96.5-milyong ghost flood control project sa Barangay Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Nagpakita dati ng kagustuhan maging state witnesses ang mag-asawang Discaya, ngunit sinabi ng Office of the Ombudsman na maliit ang posibilidad nito dahil sa kanilang malalim na pakikilahok sa anomalya.(Jocelyn Domenden)