Advertisers
BUMISITA sa Pilipinas ang mag-amang namaril sa Bondai (Bondi) Beach sa Sydney, Australia, ayon sa kumpirmasyon ng Bureau of Immigration (BI).
Sa rekord, lumabas na ang Davao ang idineklarang destinasyon ng mag-ama, na dumating sa bansa Nobyembre 1 at umalis ng Nobyembre 28, 2025.
Kung bakit bumisita sa Pilipinas ang mag-ama, sinabi ng BI na wala pang detalye .
Sa naturang insidente ng pamamaril, 15 ang nasawi.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, walang Pilipinong nadamay sa insidenteng pinaniniwalaang sinadya ng mag-ama.
Sa ulat, ang nangyaring pamamaril ay dahil umano sa galit o diskriminasyon sa mga hudyo.
Natuklasan sa sasakyan ng mag-ama ang bandila at ilang improvised explosives devices kaya iniimbestigahan na rin ang posibleng pagkakasangkot o kaugnayan nila sa Islamic state terror ideology.
Ayon sa BI, kinilala ang mag-ama na sina Sajid Akram, 50 anyos; at Naveed Akram, 24, kapwa Indian nationals.(Jocelyn Domenden)