Advertisers
MATAPOS “magpagamit” at “paasahin” ng kanyang mga among Imperyalista, nagbago na ang “tono” ni Ukraine President Volodymyr Zelensky: “pumayag” na siyang hindi maging miyembro ng ‘NATO’ (North Atlantic Treaty Organization) ang Ukraine.
Kung matatandaan, ang pagpayag ng pasistang gobyerno ni Zelensky na maging “garison” ng NATO ang Ukraine matapos ang kudeta noong 2014 na pinondohan at sinuportahan ng ‘Tadong Unidos at NATO kapalit na “pangako” na magiging bahagi ito ng NATO, ang isa sa mga totoong dahilan kung bakit napilitan ang Russia na maglunsad ng ‘special military operation’ sa Ukraine noong 2022.
Nang bumagsak ang Soviet Union noong 1991, “nangako” ang ‘Tadong Unidos at NATO na hindi gagalaw papuntang bakuran ng Russia ang alyansang militar, ‘Not one inch, eastward,’ ayon pa nga kay noon ay US State Secretary James Baker.
At dahil sadyang mga walang dangal at mga balasubas na kausap dala ng kanilang likas na kahambugan, hindi tinupad ni Uncle Sam at NATO ang pangako nila na ibinigay nila, una kay Mikail Gorbachev, ang huling lider ng Soviet Union, at Boris Yeltsin, ang unang presidente ng Russian Federation.
Para sa Russia, “napuno na ang salop” ng kanilang pagtitimpi kaya dapat nang “kalusin” ang paghahanda ng kampo ng Imperyalismo na gawing miyembro ng NATO ang Ukraine, Noong Pebrero 2022, sinalakay nito ang Ukraine.
Sa ngayon, wasak, bangkarote na ang Ukraine– higit 1 milyon na sundalo nito ang namatay na at umaasa na lang sa ayuda mula sa mga ‘sponsor’ nito sa NATO.
Ayon pa sa mandarambong na si Zelensky “umaasa” na lang din siya sa ibibigay na ‘security guarantee’ ni Trump sakaling magkaroon ng ‘peace agreement’ pero muling atakihin ng Russia ang Ukraine.
Pero teka. Ano bang nangyari sa mga security guarantee noon ng Kano sa papet nitong South Vietnam, Iraq at Afghanistan?
Matapos wasakin ng digmaan ang mga bansang ito, iniwan silang “nganga” ng mga Kano, hindi ba?
Pero “iba” talaga ang mga Pinoy. Dito kasi sa atin, basta si Uncle Sam ang nagsalita,
kahit kasinungalingan, paniniwalaan ng kanyang mga tuta, hehehe.