Advertisers
Ni Beth Gelena
Walang pag-amin na naging sila sa magkabilang kampo nina Claudine Barretto at Milano Sanchez, pero ngayon ay hot topic dahil hiwalay na umano ang mga ito.
Kalat na nga ang balitang hiwalay na ang Optimum actress at ang brother ng broadcast/journalist Korina Sanchez na si Milano.
Ibinalita kamakailan ni Nanay Cristy Fermin sa YouTube channel nilang “Showbiz Now Na” na nagkakamabutihan na ang aktres at kapatid ni Korina pero balitang break na agad ang mga ito.
Ang isyu ay kinampihan umano ni Milano ang matagal na niyang kasambahay nang pagalitan at sigaw-sigawan daw ito ni Claudine.
Bago pa makumpirm kung totoo nga ang usap-usapan ay may post ang aktres sa kanyang IG stories kung saan makikita ang mga litrato niya noong bata pa sat noong dalaga na kasama ang 89 years old na inang si Inday Barretto.
Aniya sa madamdaming mensahe, “Sana mayakap kita nang mahigpit at umiyak nang sobra ngayon, Nay. Pero hindi naman pwedeng laging maging matatag ka para sa anim na anak na natitira sa edad na 89.”
Wika pa niya, “Kailangan kong palaging ipaalala sa sarili ko na anak ako ni Inday Barretto, na maaari akong maging kahit kalahati lang ng lakas mo.”
“Pero huwag mo na akong iyakan, Ma.
“Walang pagsisisi, mga aral lang ang natutunan.”
“Ayokong tumawag dahil ito na ang huling beses na luluha ako. Isang luha lang.”
“Alam kong binabasa mo ito ngayon.
“Mahal na mahal kita. Isang pribilehiyo ang maging anak mo @estrellabarretto,” huling pahayag ng aktres.
Maraming netizens ang nagkomento:
“Feel ko wala na naman sila nung milano sanchez.”
“May Tama lalaki drating Kay ms clau kaya siya ipagtangol pati mga anak niya.una pa lang nagpapakilala Niya Kay Milano dami na basher may nakaraan siya aayaw lang masaktan ms clau kaya ganyan mga taga hanga Niya lahat ginagawa ms clau suportado ko siya.”
“Ang dami kasing panira at kontrabida sknila. Naapektuhan pati mga anak nila. Sa mga bashers.”
“Mukha nga kc nawala n ung post eh together wid that guy,, nag public post pa kc kung hinayaan nlng n private kung anu meron sila.”
“Wala na. Burado na mga posts.”
Hindi na makikita sa Facebook book page ni Milano ay deleted na ang mga post na may kaugnayan kay Claudine at maging ang kanyang profile ay naka-lock na rin.
***
VIRAL ANG BACKUP DANCER NINA KATHRYN AT JULIA, TINALBUGAN GANDA NG DALAWANG AKTRES
May isang event na nagsama ang dalawang aktres na sina Kathryn Barretto at Julia Montes sa isang event.
Nagviral ang kanilang performance kung saan mas napansin ng marami ang ganda ng isang backup dancer kaysa sa dalawang kilalang aktres.
Sa comment section, may mga netizens na nagsabing agaw-eksena umano ang naturang dancer dahil sa kanyang tikas, awra, at natural na karisma sa entablado.
Tuloy pinagkumpara ng ilang commenter ang itsura at stage presence ng backup dancer kina Julia at Kath bagay na nagtrending agad sa online.
Ayon sa netizens: “wag kasi kukuha ng backup dancer n mas maganda, taob tuloy ang dalawa”
May iba ring nanindigan na hindi dapat gawing basehan ang simpleng performance para ikumpara ang kagandahan ng magkakaibang tao, lalo na’t may kanya-kanyang appeal at lakas sina Julia at Kathryn.
May nagsabing, ‘Kung maganda man ang backup dancer may panahon ding sisikat sya kung talagang matalent sya. Yung dalawa kase hindi naman sa ganda kaya sila sumikat eh kundi sa husay nila sa pag acting bonus nalang yung ganda.”
“madaming maganda , pero tong 2 to my napatunayan na maggaling silang actress”
Pansin pa ng isang commenter: “Tama batang Bata inosenteng tignan napansin ko din mas attractive sa dalawa nakakaagaw pansin”
“Yes magnda back up dancer but there are so much more reasons why Kathryn and Julia are the main casts. One of the highest paid talents in the Philippines. It’s not just beauty, but the talents and the large impact they had made to the Philippine cinema”
“Di ba pwedeng humanga na walang pagkukumpara kasi may kanya-kanya silang katangian sa ganda..yong dalawa nakilala naman yan sa talento nila sa pag arte hindi lang sa ganda nila.”
“Hehe ang importante sila pa rin yun nasa harap at sila pa rin yungs stars at sila pa rin yun pinaka highest paid, at nasa kanila din kung bibigyan nila ng extra pabonus yun mga sinasabi niyong magaganda sa likuran nila”
“Si Kathryn at si Julia hindi sumikat dahil sa kagandahan lang. Pinaghirapan at pinagpaguran nila ang pagsikat nila. Binuhos ang atensyon sa career, sa pag-arte, sa pagsayaw, pagganap sa kung ano anong role mula mga bata pa sila. Kaya kung anoman ang meron sina Kathryn at Julia ngayon yun ay dahil sa bunga ng lahat ng paghihirap nila maabot kung nasan sila ngayon”
“Hala parang Thai actress ang datingan ni backup dancer fresh pa ”
“Napansin ko din to eh.. Wala, basta catchy siya.. Nung silang tatlo nafocus, yung tingin ko automatic na napunta sa kanya.. Hehe.. Next week artista na yan… ”
***
Nagpapasalamat kay Sylvia dahil hindi nagdalawang isip na tanggapin ang 2014 pa niyang script
DIREK INGRID HINDI MAKAPANIWALANG SINUSHOOT NA NIYA ANG I’M PERFRCT
Hindi talaga maipagkakaila na heartfelt movie ang handog ng Nathan Studios para sa Metro Manila Film Festival 2025.
Ibang tema para sa industriya ang handog nilang I’m Perfect na ang mga pangunahing artista ay hindi talaga artista kundi mga batang may mga Down Syndrome.
First na iniharap ni Sylvia Sanchez ang sampung mga batang may DS na kumbaga ay may sari-sarili silang mundo.
Si Ibyang ang producer ng nasabing pelikula.
Aba sa trailer pa lang ng movie ay nasa million na agad ang mga naglike at views ng I’m Perfect.
Kudos sa direktor ng movie na si Sigrid Andrea Fernando at maging ang buong Team ay inalagaan nila nang husto ang kanilang mga bagong artista.
Sabi nga ni Sylvia, ang sampung angels ang nagbibigay sa pamilya Atayde nung down na down sila.
Set naman ni Direk Sigrid, 2009 daw niya sinulat ang script ng I’m Perfect at 2014 ay natapos niya eto, pero nang ioffer na raw niya sa mga producer marami ang nagsabing nagustuhan nila ang kuwento pero wala namang naman nangahas na iprodyus ang kanyang sinulat na istory.
Si Direk Sigrid ang direktor ng kulitang pelikula noon na Kita Kita na pinag idahan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, isang indie movie na nagpataob noon sa mga mainstream movie.
Sa I’m Perfect binuhos ni Direk ang lahat ng tumatakbo sa isip niya at hindi raw siya tumigil na ialok sa nga producer ang kanyang script.
Mabuti na lang daw nang ioffer niya kay Sylvia ay Hindi nagdalawang isip nang mabasa ang script.
“Passion ko talaga na gawin ang I’m Perfect, kaya Hindi ako makapaniwala na ginagawa na namin ito kahit nasa day 1 na kaming nagsushoot.”
Ang laki ng pasasalamat ni Direk Ingrid kay Sylvia dahil natupad na ang kanyang goal na magawang movie ang I’m Perfect.
Aminado si Direk na mahirap na masarap sa feeling habang sinushoot nila ang movie.
Maging ang mga veteran actor na supporting lang sa pelikula ay sobrang napabilib sa huhusay umarte ng mga angels ni Ibyang.
Sa mediacon nga ng movie ay bumaha ng luha dahil maging ang press people na naroroon ay Hindi mapigilang umagos ang luha habang nagpapakilala isa isa ang mga cast na may Down Syndrome.
Anila pa hyper ang mga ito pero kapag nalolobat na ay kusang tumitigil na normal. lang daw sa kanilang kapiligiran.
Alerto naman daw ang mg medic na nakapaligid habang nagshoshooting sila.
Ang pinakabida na sina Earl Amaba at Krystal Go ay may mga fans na ring nakasuporta sa kanila.
Ang tawag sa kanilang loveteam ay Earlstal, o di ba nakakatuwa.
“YES WE CAN” ang slogan ng I’m Perfect.
Sa comments section marami ang nagsasabing uunahin nilang panoorin ang I’m. Perfect sa December 25.
Bato na lang ang damdamin ng mga taong hindi iiyak sa I’m Perfect.
Ngayon pa lang marami na ang nagsasabing hahakot ng awards ang pelikulang ito at ang mga anghel na bida sa pelikula ay magiging open ang mind ng ibang direktor na pede palang maging artista ang mga may Down Syndrome na sa tamang pag-aalaga lang kapag nasa set na.