Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
ASTIG ang mabibistahang kaseksihan ng newbie sexy actress na si Kylie Amper. Matatakam ang maraming boylet sa taglay niyang vital statistics na 34C 23 36.
Idagdag pa rito ang pagiging palaban niya at daring sa mga proyekto natotoka sa kanya, sadyang hahanap-hanapin ng mga kalalakihan ang hottie na tulad niya.
Ibang klaseng alindog at pampa-init ang hatid niya sa mga barako, lalo na ang mahihilig sa mga pelikulang pampagana.
Si Kylie ay game na game sa mga ginagawang sexy projects. Kabilang sa nagawa niyang pelikula sa Cinepop ang “Mansanas ni Eba,” “Bantay Salakay,” “Thee Last Goodbye,” at “Tres Maria” episode.
Ano ang pinaka-daring na nagawa niyang project?
Tugon ni Kylie, “Halos lahat naman po ay daring na sa akin, pero ang masasabi kong mas malala po talaga ay iyong smovie namin na Mansanas ni Eba.”
Bakit niya nasabing mas malala ito? Ano’ng nasilip sa kanya rito?
Esplika ni Kylie, “Kaya ko nasabing mas malala, kasi sa movie ay binuhat ako sa balcony at muntik na akong malaglag and nauntog na ulo ko sa kisame po… Actually, dumudulas na po ako, kasi sa pawis naming dalawa ng ka-love scene ko rito.
“About sa ipinasilip ko roon, halos lahat po, boobs po and wetpu, hehehe. So, lahat po halos talaga, except lang po sa bandang ibaba, iyong kiffy ko, hahaha!”
Nagkuwento pa siya hinggil sa nasabing pelikula.
Aniya, “Ang naka-love scene ko rito ay si Edison Ramos po. And i-add ko pa po yung sa The Last Goodbye sa amin ni sir Rodulf, kasi po yun yung first time kong sex scene. Sa roof top naman po ng hotel ginananap iyon.”
Nabanggit din niya kung hanggang saan ang limitations niya sa pagpapa-sexy o sa paghuhubad sa movies.
“Wala naman pong problema sa aken kahit ano ang ipagawa sa aking eksena, basta huwag lang po iyong may kissing sa nipples. Kasi po ay parang porn na siya kapag ganoon, hehehe,” natatawang pakli pa ng hot na hot na dalaga.
Ano ang kanyang dream role?
“Pagdating naman po sa dream role ko, ang gusto ko ay ang magbaliw-baliwan. Bet ko iyong may iyakan, iyong kinakawawa ako, kasi gusto ko lang pong maka-experience ng ganoon,” paliwanag pa ni Kylie.