Advertisers

Advertisers

Pagtatanga-tangahan ni Gongdi, buking

0 18

Advertisers

‘DI umobra ang pagkatuso ni dating Pangulong “Digong” Duterte sa International Criminal Court (ICC) para makaiwas sa trial.
Oo! Sa mga pagsusuri na ginawa ng medical specialists ng ICC kay Digong, sinabi nilang ang dating pangulo ay maayos  ang pag-iisip. Tuwid at malinaw ang pag-iisip nito, nakakaintindi at naaalala ang lahat ng nangyari at nangyayari.
Say pa ng ICC, ang dating pangulo ay “feigning cognitive impairment”. Nagkukunwari lamang daw ito na hindi makaintindi sa oras na ng pananagutan.
Umiiwas lang daw si Digong sa trial. Araguy!!!
Si Digong ay sampung buwan nang nakakulong sa ICC facility sa The Hague, Netherlands dahil sa kinakaharap na kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng mga walang-awang pagpatay sa kanilang ‘war on drugs’ campaign sa kanyang administrasyon (2016 – 2022).
Co-accused ni Digong ang kanyang dating Chief  PNP ngayo’y  senador Ronald “Bato” Dela Rosa, dati n’yang Special Assistant to the President (SAP) ngayo’y senador “Bong” Go, isa pang dati n’yang Chief PNP na si Oscar Albayalde at ilan pang  retirado at aktibong PNP officers.
Sinasabing sunod nang maiisyuhan ng ICC arrest warrant sina  Dela Rosa,  Go at Albayalde, sabi ni dating Senador Antonio Trillanes na siyang nagpursige sampahan ng kaso sa internatioonal court ang mga personalidad na ito.
Si Dela Rosa ay higit isang buwan nang hindi nagpapakita sa publiko, nagtatago na, matapos ianunsyo ni Ombudsman “Boying” Remulla na nakatanggap na siya ng kopya ng ICC warrant laban sa Senador.
Lalo pang natakot si Bato nang kumpirmahin ng kanilang kaalyado na si dating Presidential spokesperson, Atty. Harry Roque, na may ICC warrant na nga ang senador.
Tapos nag-post pa sa kanyang facebook page ang beteranong kolumnista na si Ramon Tulfo na nakatakdang arestuhin nitong Sabado, December 20, si Bato.
Sabi ng abogado ni Bato na si Esraelito Torreon, alalang-alala ngayon ang misis at mga anak ng senador sa post ni Tulfo. Nakikiusap ito sa kolumnista na kung may kopya ito ng arrest warrant ay bigyan naman sila.
Balikan natin ang naging pahayag ng ICC na si  Digong ay “feigning cognitive impairment” para humarap sa paglilitis.
Sa pahayag na ito, wala nang irason ang kampo ni Digong na pigilan pa ang trial laban sa dating pangulo ng Pilipinas na puros kagagohan ang pinaggagawa sa kanyang termino. Mismo!
Inaasahang isasalang na ito sa trial early 2026. Subaybayan!
***
Pumanaw na nitong Sabado ng gabi, Dec. 20, ang retired decorated police general at kinatawan ng 2nd district ng Antipolo City na si Romeo Acop, isa sa mga gumigisa sa mga sangkot sa flood control scandal. Natagpuan s’yang walang malay sa kanyang kuwarto 10:12pm. Rest in peace, Sir!