Advertisers

Advertisers

Babaeng vlogger tumangay ng sanggol, arestado

0 14

Advertisers

Naaresto ang isang babaeng vlogger at nahaharap na sa kaukulang mga kaso kaugnay ng kanyang pagtangay ng isang pitong-buwan na sanggol sa isang mall sa Surigao City.

Kinilala ang naaresto sa alyas Jane, 59-anyos, residente ng Barangay Cawilan sa Taganaan, Surigao Del Norte sa Region 13, na nahaharap na sa kasong kidnapping at paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse kaugnay ng kanyang pagtangay ng anak ng mag-asawang noon nag-shopping lang sa isang mall sa Surigao City.



Ayon sa ulat, nagkunwaring gagawa lang sana ng video recording ang vlogger na si Jane at ang sanggol na puma-yag naman ang mga magulang na kanyang ililibot sa mall para sa kanyang gagawing Facebook content, nguni’t tuluyan na niya itong tinangay.

Itatakas na sana ng suspect ang bata sa isang lugar nguni’t nasabat ito ng mga pulis habang sasakay na sana ng barko at nabawi mula sa kanya ang sanggol na agad na naibalik sa mga magulang.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">