Advertisers
Nasawi ang anim na pasahero at 20 ang sugatan nang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa Rolando Andaya Highway sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur Biyernes ng mada-ling-araw, Disyembre 26.
Ayon kay Bicol Police spokesperson Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, patungong Sorsogon mula Quezon City ang DLTB bus nang mawalan ito ng kontrol 3:25 ng mada-ling-araw at tumilapon sa humigit-kumulang 10 metrong lalim na bangin sa Barangay Magais-I.
Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng nakatulog ang 48-anyos na driver na residente ng Parañaque City dahilan upang sumadsad ang bus sa gilid ng kalsada.
May dalawa pa anilang wala nang buhay ang pumai-lalim sa bus na hindi pa na-rirekober mula sa bangin na tinatayang nasa 10 metro ang lalim.
Nasa 22 pasahero ang nagtamo ng iba’t-ibang sugat tulad ng galos, hiwa, pananakit ng dibdib at likod, at mga pinsala sa ulo. Agad isinugod ang mga sugatan sa mga karatig-ospital upang mabigyan ng kaukulang lunas.
Nakalabas na sa ospital ang ilang sugatan na uuwi sana sa kani-kanilang pamilya para sa Pasko at Bagong Taon.
Sinabi naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naglabas ito ng show cause order sa bus company kaugnay ng imbestigasyon sa insidente at naglabas
“In the hearing, we will go deeper into determining if the proper protocol to ensure the mental and physical readiness of designated drivers were followed in this case,” sabi ni LTFRB Chairperson Vigor Mendoza II.