Advertisers

Advertisers

Gen. Torre nanumpa na bilang MMDA GM

0 12

Advertisers

NANUMPA na si General Nicolas Torre bilang bagong General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa harap ni Executive Secretary Ralph Recto nitong Biyernes, Disyembre 26.

Si General Torre ang papalit kay Procopio Lipana sa pamumuno ng ahensya.

Nabatid na ang panunumpa ay ginanap sa Malacañang at pinangunahan ni Executive Secretary Recto.



Kung matatandaan, bago ang panunumpa, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang appointment paper ni General Torre noong Disyembre 19, 2025.

Sa parehong araw, kinumpirma rin ng Palasyo ang kanyang pagkakatalaga sa posisyon.



Bilang bagong MMDA General Manager, inaasahang haharapin ni General Torre ang mga hamon kaugnay ng matinding trapik sa Metro Manila, kasama rito ang mas mahigpit na pagpapatupad ng disiplina sa kalsada, pagtugon sa problema ng pagbaha, at mas maayos na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">