Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Sa isang panayam, natanong si Angelica Panganiban kung willing siyang makatrabaho ang ex na si Carlo Aquino.
Aniya, hindi raw niya isinasara ang pinto na muling maka-work ang aktor na minsang na-link sa kanya.
Hirit pa ni Angelica, depende raw naman ang lahat sa project o iskrip na io-offer sa kanila.
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang pahayag ng bida ng “Unmarry.”
Ito ang ilan sa kanilang sey.
“At least pareho na silang nag-mature ni Carlo.”
“I like na nagkapatawaran na sila.”
“It shows na naka-move on na sila sa naging isyu sa kanila.”
“True. Napakaliit lang ng showbiz. Definitely, one of these days, they will bump into each other.”
“Actually, parang wala nang isyu kina Angelica at Carlo. Pina-follow na nga ni Angelica si Charlie sa Instagram.”
“I miss their tandem. Ang lakas kaya ng chemistry nila.”.
“Pareho na silang married. Dapat move on na.”
“Buti naman at okey na sila.”
***
Lala Sotto, hinikayat ang mga Pilipino na suportahan ang mga pelikulang kalahok sa MMFF 2025
HINIMOK ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang publiko na suportahan ang walong pelikulang kalahok sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 umpisa Disyembre 25.
Sa isang video message, sinabi ni Sotto na mahalagang pagyamanin ng taumbayan ang taal na husay ng Pilipino sa paglikha ng mga pelikulang maipagmamalaki sa buong mundo.
“Ngayong darating na Pasko, inaanyayahan ko ang lahat na panoorin ang lahat ng pelikulang kasali sa 2025 MMFF,” ani Sotto.
Pinaalalahanan din niya ang mga manonood, laluna ang mga magulang at nakatatanda, na gamitin ang MTRCB ratings bilang gabay sa pagpili ng mga pelikulang angkop para sa pamilya.
“Gamitin po natin bilang gabay ang MTRCB ratings sa pagpili ng papanooring pelikula ngayong kapaskuhan,” sabi ni Sotto. “Sama-sama po tayong mag-enjoy sa walong pelikulang inihanda ng MMFF.”
Karamihan sa walong pelikula ay pampamilya dahil sa ratings na G (para sa lahat) at PG (kasama ng mga bata ang magulang o nakatatanda).
Ang walong kalahok sa 2025 MMFF:
l “I’m Perfect” – Rated G (General Audience). Angkop para sa lahat ng edad.
l “Bar Boys: After School” –PG. Para sa mga edad 13 at pababa basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.
l “Call Me Mother” – PG.
l “Love You So Bad” – PG.
l “Manila’s Finest” – PG.
l “Rekonek” – PG.
l “Unmarry” – PG.
l “Shake, Rattle and Roll: Evil Origins” – R-13 (Restricted-13), para sa mga edad 13 pataas.
Muli, tampok sa ika-51 MMFF ang likas na husay, pagkamalikhain at talento ng Pilipino sa larangan ng pelikula.