Advertisers

Advertisers

Miggs Cuaderno gustong maka-work ang mag-asawang Dingdong at Marian

0 16

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SPARKLE artist na ang award-winning actor na si Miggs Cuaderno after niyang pumirma kamakailan ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng bumubuo ng Sparkle, kay Lord, at sa family ko.

“It’s a really, really great opportunity for me to comeback to my home, eversince I was 6 years old. So, very surreal And I thanked everyone that’s been a part of my teen,”sabi ni Miggs

Ano-ano ang aabangan sa kanya ng kayang mga faney ngayong isa na siyang Sparkle artist?

“Well, actually, marami,”sagot niya.

“Marami kaming niluluto (na mga proyekto), marami kaming napag-usapan.

“Well, of course, I’m here to hone my craft, my passion for filming and for acting, of course,”

“Marami po silang aabangan sa akin, kagaya na lang po ng Born To Shine. Malapit na po ‘yan,”

Ang loveteam nina Sephanie at Michael Sager ang bida sa nasabing serye. Gumaganap dito si Miggs bilang si Basha.

Kasama rin sa cast sina Manilyn Reynes, Vina Morales, Tina Paner, Roselle Nava, Smokey Manaloto at ang mga kapwa Sparkle artists ni Miggs na sina Gaea Mischa, Olive May, Naya Ambi, and Mitzi Josh.

Sa tanong naman kung sino-sinong kapwa Sparkle artist ni Miggs ang gusto niyang makatrabaho, ang sagot niya,”Since kadarating lang ni Will (Ashley sa GMA 7, mula sa PBB )I want to work with him again. Nagka-work na kami rati sa Mano Po. He’s my brother doon. And of course, Sir Dong (Dingdong Dantes) and ate Yan (Marian Rivera)”