Advertisers

Advertisers

GOV. VILMA KLINARO ANG VIRAL VIDEO ‘WALA SA KONTEKSTO’

0 14

Advertisers

Ni Beth Gelena

Klinaro ng Star For All Seasons Vilma Santos Recto ang kanyang viral video:

Nilinaw ni Gobernor Vi ng Batangas na ang viral video ng kanyang panayam sa media ay wala sa konteksto.

Ayon sa kanyang opisina, inedit at ibinahagi ang clip sa ilang bahagi na lumikha ng maling ideya na iniinsulto umano niya ang publiko. Ipinaliwanag ng gobernador na talagang nagsalita siya tungkol sa pekeng balita at online bashing.

At nagpapaalala sa mga tao na suriin ang impormasyon bago ibahagi. Hinimok ng pimaalalahanan ng Batangas Gobernor ang lahat na beripikahin ang mga mapagkukunan at maging maingat sa online upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon at pagkakawatak-watak.

Paglilinaw ni Gobernor Vi matapos mag-viral online ang isang video ng kanyang panayam sa media, kung saan nagsasabing siya at ang kanyang asawa, si Finance Secretary Ralph Recto, ay tinatarget “dahil nandoon kami sa itaas at nandoon ka sa ibaba.”

Sinabi ng tanggapan ng gobernadora na ang video ay kinuha nang wala sa konteksto, dahilan upang isipin ng ilang netizen na iniinsulto niya ang publiko.

Ayon sa opisyal na pahayag mula sa Tanggapan ng Gobernador, ang mga kumakalat na post ay itinuturing na maling impormasyon.

“Nais pong linawin ng Tanggapan ng Gobernador na ang mga kumakalat na post tungkol sa naging press interview ni Gov. Vi ay maling impormasyon at pinuputol na konteksto,” ayon sa statement ng opisina ng gobernadora. Ipinaliwanag nito na piling bahagi lamang ng panayam ang inedit at ibinahagi, na humantong sa isang maling salaysay.

“Ang ilang bahagi ng interview ay pinili at in-edit mula sa kanyang buong panayam, na nagdulot ng maling naratibo na nagsasabing pang-iinsulto umano sa publiko.”

Binigyang-diin ng tanggapan ni Ate Vi na hindi mga ordinaryong mamamayan ang tinutukoy ng kanilang gobernadora.

Sa halip, tinatalakay niya ang lumalaking problema ng mga pekeng balita at online bashing.

“Sa katunayan, tinatalakay ni Gov. Vi ang lumalalang problema ng mga nagkalat ng pekeng balita at mga bashers online,” ayon pa sa atatement.

Ang mensahe ng aktres-politiko ay naglalayong ipaalala sa publiko na suriin ang kredibilidad ng impormasyon, iwasan ang pagkalat ng mga maling balita, at protektahan ang malusog na talakayan sa publiko. Binigyang-diin din sa paglilinaw na hindi inaatake ni Gobernador Vilma ang sinuman sa publiko.

“Hindi binabatikos ni Gobernadora ang ordinaryong mamamayan kundi tinutukoy ang mga panganib ng manipuladong content at sinasadyang maling impormasyon.”

The Batangas provincial government then urged everyone to be careful with what they share online. “Hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang lahat na tiyakin ang mga pinagkukunan ng impormasyon at mag-ingat bago magbahagi ng anumang nilalaman na maaaring magdulot ng maling interpretasyon o maghatid ng pagkakawatak-watak ng publiko.”

Tila may sumasabotahe sa magandang kredibilidad ni Ate Vi bilang Ina Ng Batangas.

***

‘HULING PASKO BILANG ISANG BINIBINI’ — CARLA

Engaged na si Carla Abellana at mallapit na siyang ikasal o ikinasal na kay Dr. Reginald Santos.

Ang post ng Kapuso aktres sa kanyang socmed, “Huling Pasko bilang isang Binibini.”

Kinumpirma na ni Carla na siya ay engaged na sa boyfriend na doktor.

May balita pa ngang December 27, 2025 magaganap ang kanilang kasal.

Ilang buwan matapos kumpirmahin na may karelasyon na siya, kumalat na rin online ang mga tsismis tungkol sa kanyang engagement at kasal.

Kahit engaged na si Carla ay hindi pa rin niya pinapakilala officially ang boyfriend na doktor sa publiko.

Batay sa isang nakaraang artikulo, tinalakay ni Carla ang mga tsismis tungkol sa kasal , na sinasabing, “Kung totoo man po iyon o hindi, siyempre bahagi iyon ng aking pribadong buhay.”

Kamakailan lamang, nang sa wakas ay tugunan niya nang diretso ang mga salaysay tungkol sa kasal, nagbahagi siya ng isang post tungkol sa kanyang bridal shower.

Sa kanyang kwento, nag-post siya ng isang larawan na nagsasabing, “Huling Pasko bilang isang Binibini.”

Hindi naman ibinunyag ng aktres ang mga detalye tungkol sa nalalapit niyang kasal, ngunit ayon sa mga ulat, magkakaroon sila ng kasal sa Tagaytay nitong Disyembre 27, 2025.

Ang tanong, “natuloy kaya? ”

Nga pala, ang mapapangasawa ni Carla ay si Dr. Reginald Kristian Carlos Santos, na ipinanganak noong 1986.

Nag-aral sa OB Montessori sa Greenhills at kalaunan ay nagpursige ng medisina sa FEU–NRMF sa Quezon City. Nakuha niya ang kanyang Doctor of Medicine degree noong 2012 at nakapasa sa Physician Licensure Examination noong Agosto 2013, na may espesyalisasyon sa Primary Care.

Kalaunan si Santos ay namumuno sa Diliman Doctors Hospital sa Quezon City.

Siya ang namumuno sa Emergency Department, naging assistant administrative officer din noong 2022, at hinirang na chief medical officer noong Nobyembre 2024—isang posisyong iniulat na hawak pa rin niya hanggang ngayon.

***

JERIC GUSTO PAKASALAN NI ALJUR SI AJ

Gusto pala ni Jeric Raval na magpakasal sina AJ Raval at Aljur Abrenica.

Bilang isang ama, ibig ni Jeric na pakasalan ni Aljur ang anak niyang si AJ.

Marami kasi siyang naririnig na mga akusasyon laban sa kanya bilang isang ama.

Ipinahayag ng aktorna gusto rin niyang ikasal ang anak na si AJ at Aljur.

Kung dati ay nanahimik si Aj hinggil sa kanyang mga anak, ngayon ay maluwag na sa dibdib ng sexy aktres nang aminin sa publiko na siya ay may limang anak na.

Isiniwalat niya na aktres mayroon na siyang limang anak, tatlo sa kanila ni Aljur kanyang kasalukuyang kasintahang si Aljur Abrenica . Ang kanyang mga anak ay sina Ariana, ang panganay, na pitong taong gulang na; si Aaron, ang kanyang pangalawang, na ngayon ay isang anghel; at tatlo pa, na mga anak niya kay Aljur.

Ang bunso ni AJ ay si Abraham.

Ang layunin ni AJ para aminin na siya at may lima nang anak ay para maging magaan sa dibdib ang pagpapaliwanag sa mga bata kapag ang mga ito ay nagsilaki na.

Ang pagbunyag ni AJ ng katotohanan ay para mabigyan ng malayang buhay ang kanilang mga anak.

Ang katapatan na ito ay nagpapalaya rin sa kanila ni Aljur bilang mga magulang.

Kasunod ng pag-amin, maraming tao ang nag-akusa kay Jeric na kinukunsinti ang kanyang anak na babae.

Ayon sa beteranong aktor, limitado lamang ang kanyang magagawa bilang isang ama, ngunit bilang isang magulang, pangarap din niyang magpakasal ang kanyang mga anak, lalo na ang kanyang mga anak na babae.

Tungkol naman sa sitwasyon nina AJ at Aljur, kasal pa rin ang huli sa asawa nitong si Kylie Padilla.

Kung may plano man daw sina Aljur at Kylie na ipawalang-bisa ang kanilang kasal, sinabi ni Jeric na hindi siya nakikialam.

“Lagi kong sinasabi, pagdating sa buhay pag-ibig, hindi ko saklaw ang damdamin ng mga anak kong babae,” wika niya.

Nakikita naman daw niya kung gaano kabuting tao ai Aljur lalo na sa pamilya.

“Hindi naman magkakaanak ng ganun karami na anak sa anak ko kung hindi naman siya sincere. Nakikita ko naman na mahal nila ang isa’t isa. They love each other.”