Advertisers

Advertisers

PAYROLL OFFICER NG DOJ SWAK SA P12M FRAUD!

0 24

Advertisers

KINASUHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang administrative officer ng Department of Justice (DOJ) dahil sa umano’y pag-divert ng hindi bababa sa P12 milyon na pondo ng gobyerno, ayon kay NBI spokesperson Palmer Mallari.



Ayon kay Mallari, ini-refer ng DOJ ang kaso sa NBI noong Disyembre 22, 2025 matapos matuklasan ang iregularidad sa payroll ng regional prosecutors.

“Nadiskubre ng DOJ Payroll Section na may mga iregularidad sa paghahanda ng payroll ng mga regional prosecutors, at nang makumpleto ang mga dokumento, ito ay isinangguni sa NBI para sa imbestigasyon,” ani Mallari.

Umuulat na in-reactivate ng kung sino ang payroll accounts ng mga retired, resigned, at inactive na prosecutors at idinirekta ang mga benepisyo sa tinaguriang “mule accounts.” “Dahil siya ang may hawak ng payroll, nagawa niyang i-reactivate ang mga account at ilipat ang mga benepisyo papunta sa mga iligal na mule accounts,” dagdag niya.

Nagsagawa ang NBI ng entrapment operation noong Lunes, Disyembre 22, mula 4:00 hanggang 5:00 ng hapon sa DOJ Payroll Section sa Manila matapos makumpirma na ang government bonuses, kabilang ang Performance Enhancement Incentive (PEI) at Special Recognition Incentive (SRI), ay na-credit sa mga account na konektado sa suspek.

Kinasuhan ang suspek at ilang kasabwat ng malversation of public funds, qualified theft, graft, at iba pang cybercrime-related offenses at kasalukuyang nakakulong.

“Hindi magsasawa ang NBI sa pagpapatupad ng batas. Mananagot ang sino mang lalabag, kahit pa sila ay mula sa loob ng gobyerno,” diin ni Mallari.