Advertisers

Advertisers

2ID NASAMSAM ANG 65 ARMAS AT CALIBER .50 MACHINE GUN SA MGA CPP-NPA-MGEN. ZAGALA!

0 10

Advertisers

CAMP CAPINPIN, Rizal —Ipiniresenta ng 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division ang  65 matataas na kalibre ng baril at isang Caliber .50 Machine gun sa ginanap na press conference sa Camp Capinpin Tanay Rizal.

Ayon kay 2nd Infantry Division Chief MGen. Ramon Zagala, bunga ito ng sunod-sunod na operasyon mula Setyembre 2024.

Nauwi din ang ilang operasyon sa engkwentro kong saan narekober ang mga armas sa Labo, Camarines Norte.

Ayon pa kay Zagala, nagpatuloy ang operasyon hanggang sa bahagi ng Quezon Province at Camarines Sur.

Dagdag ng 2nd Infantry (Jungle fighter) Division ang pagkarekober sa mga armas, improvised explosive devices at mga bala ay nagpahina sa kakayahan ng Communist Terrorist Group na makidigma.

Disyembre a-16 ng matagumpay na mabawi ng 2nd Infantry (Jungle fighter) Division, 9th Infantry Division at PNP ang pinakamalaking arms cache ng rebeldeng grupo sa Brgy., Exciban sa bayan ng Labo.

Ang pagkakumpiska sa Caliber .50 machine gun ay may kaugnayan umano sa pag-atake ng mga rebelde noong 2003 sa Quezon Province.

Basi sa record ng 2nd Infantry Division, nasa 50 umanong rebeldeng NPA ang sumakay noon sa istasyon ng Philippine Coast Guard at pagwasak sa sasakyang-dagat ng Phil. Navy sa Brgy., Ungos Real, Quezon.

Dito din umano nasawi ang isang opisyal ng Coast Guard at isang tauhan ng Navy, habang 5 ang sugatan.

Sa mensahe ni Colonel Francis Carandang, pinakikita ng presentasyon ang pag-usad laban sa insurhensya dahil sa tulong ng komunidad.

Samantala, binigyan diin ni MGen. Zagala ang pagkakabawi sa mga armas at tuloy-tuloy na kolaborasyon at tiwala ng mga stakeholders at publiko sa 2nd Infantry “Jungle fighter” Division ang kapayapaan sa buong Timog Luzon. (Edwin Moreno)