Advertisers

Advertisers

KORAPSYON NOONG 2025 BUDGET, PINANGANGAMBAHANG MAULIT NGAYONG 2026 BUDGET – REP. PULONG DUTERTE

0 20

Advertisers

NAGBABALA si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa posibilidad na maulit ngayong 2026 national budget ang umano’y pagnanakaw na nangyari sa 2025 budget.

Ayon kay Duterte, nananatiling mataas ang panganib na maulit ang katiwalian dahil hanggang ngayon ay wala pa ring nakukulong na itinuturing na “mastermind o utak” ng korapsyon sa 2025 budget.

Dahil dito, iginiit ng kongresista na walang mangyayaring tunay na reporma kung paulit-ulit lamang ang parehong uri ng katiwalian.

Bunsod nito, naniniwala ang mambabatas ng Davao na mahihirapang maibalik ang tiwala ng mamamayan hangga’t nananatiling walang pananagutan ang mga sangkot at patuloy ang umano’y pang-aabuso sa pondo ng bayan.

Punto pa ng kongresista, kung hindi man marunong mahiya ang mga responsable, dapat sana’y marunong silang maawa sa taumbayan at pairalin ang tunay na pananagutan, gayundin ang paglilinis sa proseso ng pagpasa at paggastos ng kaban ng bayan.

Tutukan natin!

Happy readings kina Parañaque City Administrator Atty Ding Soriano, Parañaque City BPLO Chief Atty Melanie Malaya at Parañaque City Treasurer Anthony Pulmano.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09368625001/09397177977 o di kaya mag email balyador69gmail.com