Advertisers

Advertisers

Sarah Lahbati nagbenta ng ari-arian para sa bagong mansion

0 29

Advertisers

Ni Anne Venancio

New house, new energy, at fresh start ang peg ng pagsalubong ng aktres na si Sarah Lahbati sa 2026.

Sa kanyang social media post, ipinasilip niya ang ilang bahagi ng kanyang soon-to-be home kasama ang designer na si @iamurvitaminc.
Caption ni Sarah: “New year, new home,” kung saan ramdam ng netizens ang excitement ng aktres sa pagbuo ng modernong sanctuary nito.

Samantala, binenta ng aktres ang ilang luxury bags at mga gamit. Dinonate naman niya sa orphanage ang ibang gamit ng kanyang mga anak na sina Zion at Kai.

***
Andrea Brillantes 3 beses nagka-dyowa ng basketbolista

Bagong power couple alert sina Andrea Brillantes at ang kanyang rumored boyfriend na si Franchesko Juan “Pankie” Capistrano, 21, matapos mag-post ang aktres ng larawan kung saan magkadikit ang kanilang pisngi sa New Year’s countdown sa BGC.
Si Pankie ay kilala sa MPBL at naglalaro sa Enderun Titans at San Juan Knights, at galing sa prominenteng pamilya sa Lucban.

Nag-post naman sa IG Story si Pankie noong Enero 1 na
bagamat walang caption, may background music ito na “I Love You Secretly” ng The Miracles.

Nasundan pa ito ng post kung saan kasama ni Andrea ang pamilya ni Pankie sa pagsalubong ng Bagong Taon. Bahagi na rin ang aktres sa ibang okasyon ng pamilya Capistrano sa Lucban, Quezon, tulad ng pickleball event at sa TikTok dance video ng ina ni Pankie noong December 29.

Reaksyon ng netizens, mukhang sa basketbolista laging nauugnay si Andrea. Pangatlo na niya si Pankie. Matatandaang naging karelasyon niya ang PBA player na si Ricci Rivero mula 2022 hanggang 2023, kung saan naging kontrobersyal ang kanilang relasyon. Na-link din siya kay Samuel “Sam” Fernandez noong early 2025. Ngayon, tila bagong chapter naman ito para sa aktres kaya hiling ng kanyang mga supporters na sana ay maging masaya ito kay Pankie.

****
Barbie Forteza masungit sa set ng bagong pelikula

May bagong aabangan ang mga supporters ni Barbie Forteza dahil kasama ang aktres sa pelikulang ‘Until She Remembers,’ kasama sina Charo Santos-Concio, Boots Anson Roa-Rodrigo, Angel Aquino, Albert Martinez, Eric Quizon, Vince Rillon, Erlinda Villalobos, Perla Bautista, at Carlitos Siguion-Reyna sa direksyon at panulat ni Brillante Ma. Mendoza.

Hanga umano ang direktor kay Barbie sa kanyang performance dahil handa at in-character na agad ang aktres, na masungit umano pagdating sa set—ibang-iba sa kanyang image na palabati at matsika sa totoong buhay.
Mahalaga rin ang ginagampanang role nina Charo at Boots sa buhay ng karakter ni Barbie sa naturang pelikula.