Advertisers

Advertisers

DANIEL PADILLA HINULAANG MAGIGING TATAY NA NGAYONG TAON

0 24

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa?

Ayon kasi sa hula sa batang aktor,sa second quarter daw ng taong ito ay magkakaanak siya. Hindi lang binanggit kung sa current girlfriend niya na si Kaila Estrada manggagaling ang kanyang magiging anak. So,baka sa ibang babae,di ba?

Nakikita rin daw sa baraha ng psychic na posible rin daw na ikasal sina Daniel at Kaila next year. Pero bago raw maganap ang kasalan ng dalawa,ay magkakaroon nga raw muna ng baby si Daniel.

Ang tanong,kung totoo ang hula,sino kaya ang ina ng magiging baby ni Daniel? At kung ikakasal na nga sina Daniel at Kaila na may baby na ang aktor,ibig bang sabihin nun ay taranggapin ni Kaila ang anak sa ibang babae ng aktor?

Abangan natin kung magkakatotoo ang hula.

***

SA isang interview ni Dustin Yu,tinanong siya kung sino ang pinaka- close sa kanya nu’ng naging housemate siya sa Bahay Ni Kuya. Ang sagot niya,”Ang pinaka-close ko, si Bianca (de Vera) talaga.

“Siya ‘yung talagang tunay kong naging kaibigan.

“Siya ‘yung lagi kong kasama sa Bahay ni Kuya kaya lagi kaming nino-nominate,”natatawang sabi pa ni Dustin

Maraming nagsasabi na may something na talaga kina Dustin at Bianca. Katibayan na nga nang ipakilala nila ang isa’t-isa sa kani-kanilang pamilya.

Ano na nga ba talaga ang status ng relasyon nila ni Bianca?

“Friends”sagot ni Dustin

Sundot na tanong sa binata,kung anong level na ng frienship meron sila ni Bianca,ang sabi niya,’Yung pinakamataas na level.

Dugtong pa niya,”Happy ako ‘pag kasama ko siya”

Aminado si Dustin na crush niya noon pa si Ivana. Pero kung papipiliin siya between Bianca and Ivana,mas pipiliin niya ang huli.

Crush niya lang kasi si Ivana,pero mas attracted siya kay Bianca.

“Nakaka-attract naman kasi talaga si Bianca”lahad pa niya

Siguradong magbubunyi sa galak ang mga faney nina Dustin at Bianca dahil sa sinabing ito ni Dustin.